KABANATA XL: WALANG MAGBABAGO
Shanelle
Isang mapintas na sampal ang natanggap ko mula kay papa nang makabalik kami sa palasyo. Napasalampak ako sa gitna ng pasilyo at agad na hinawakan ang pisngi ko. "Ngayon, magtatanda ka na, Shanelle. Ika'y suwail. Ilang beses mo nang tinangkang tumakas sa palasyo. Ilang beses na rin kitang sinabihan na lumayo ka sa taong iyon ngunit hindi ka nakinig. Kaya simula ngayon, ipadadala na kita sa Zohorha, doon sa lugar ng lola mo," mariing sabi ni ama na ikinabagsak ng buong pagkatao ko.
"Ama, huwag po. Parang awa muna. Wala talagang kasalanan si Klean. Wala. At isa pa, huwag mo pong gawin sa ’kin ito, hindi ako pupunta ro'n," nagmamakaawang sabi ko at gumapang patungo sa paanan niya. "Misirable ka na, Shanelle. Ito ba ang epekto na naging kasama mo siya? Hindi kayo nararapat para sa isa't isa. Isa siyang lapastangang halimaw, ang tulad niya'y dapat maparusahan!" sabi ni ama.
"Mahal ko po siya, huhu," naiiyak kong sabi at hinigpitan ang hawak sa laylayan ng kanyang damit.
Lahat ng mga nandito sa palasyo'y nakikiusyoso sa amin. Tahimik silang nakamasid sa amin at nagbubulungan. "Mga kawal, dalhin siya sa Zohorha, ngayon mismo!" utos ng aking ama. Akmang lalapit sa akin ang dalawang kawal nang bigla akong hinawi ni Lhyster sa tabi.
"Huwag niyo siyang hawakan, hayaan niyong manatili siya rito at makasama ko. Mapapangasawa ko siya kaya huwag niyo siyang subukang ilayo sa 'kin," sabi ni Lhyster.
Mukhang nakumbinse niya ang loob ni ama at dahil doon, pumayag itong itigil ang planong ipadala ako sa Zohorha.
"Ako ng bahala kay Prinsesa Shanelle," presenta ni Lhyster at hinablot ang kamay ko.
"Sige at kung maaari sana'y dalhin mo si Shanelle sa kanyang silid at huwag mong hahayaang makatakas siya ulit. Uutusan ko nalang ang manggagawa na ipasara muli ang bintana ng kuwarto niya upang sa gayun ay wala na siyang malulusutan pa," utos ni ama kay Lhyster.
"Ama, 'wag poooo!" Tuluyan na ngang tumulo ang mga luha ko sa mata. Hindi ko akalaing ganito ang mangyayari. Tinanggal ko ang kamay ni Lhyster na nakakapit sa kamay ko at muling lumuhod sa harapan ng aking ama. "Mahal kong ama, nakikiusap ko! Huwag mong gawin sa 'kin ito. Hayaan mo nalang mabuhay si Klean. Kung may galit ka sa kanya, sa 'kin mo ibuntong lahat basta't mo lang siyang sasaktan. Nagmamakaawa po ako!"
"Hindi na ikaw ang Shanelle na kilala ko. Para kang basura kung magmakaawa sa 'kin. Patapon ka na, anak ko!" masakit na sabi ng aking ama at sinampal na naman ako sa ikalawang pagkakataon.
"Asawa ko, itigil mo na iyan! Masyado kang marahas sa anak natin" singit ni ina na tila naaawa sa kalagayan ko.
"At nagawa mo pa siyang kaawaan? Hindi natin itinuro sa kanya ang mahulog ang loob sa isang mababang uri tulad ng koronel na iyon. Kahit anong saway natin ay kanyang sinusuway nang walang pag aalinlangan, para lamang sa kapakanan ng halimaw na iyon? Hindi maaari," tugon ni ama habang nakaduro ang hintuturo sa akin.
"Ang mali ay mali. Kailan ba naging tama ang mali at kailan naman naging mali ang tama? Mali ang pagdidisiplina mo! Kailangan pa bang saktan si Shanelle upang mapaglayo mo sila? Si Klean ang saktan mo, huwag ang anak natin!" makabuluhang sabi ni ina.
"Kahit anong dikta, kung ito'y makakabuti sa kaniya'y bakit hindi gawin, mahal na reyna?" singit ni Lhyster.
"Hindi! Kung alam niyo, kung gaano nagmamalasakit si Klean, maiisip niyo ang ibig kong sabihin. Mas higit siyang mabait kaysa inaakala niyo, hindi niyo alam iyon kasi hindi naman kayo ang nakasama niya sa loob ng ilang araw!" sabi ko sabay punas ng luha sa mga mata.
"At sapat na bang dahilan iyon para ipagpalit mo ako sa kanya?" tanong ni Lhyster.
"Mabait siya hindi tulad mo o kahit ni isa sa inyo!" singhal ko.
YOU ARE READING
WISEMAN KINGDOM: The War (Completed)
FantasyTatlong libong taon na ang nakalipas nang paslangin ang makapangyarihang prinsesa ng kalikasan matapos siyang patayin ng isang miyembro ng maalamat na angkan ng mga puting lobo. Matapos ng kanyang kamatayan, naghintay siya ng ilang taon bago muling...