KABANATA XXV: TAMPO
Shanelle
Hapon na nang makauwi kaming lahat sa bahay nina Binibining Re-L. Kasama namin si Acel. Ang bawat isa ay pagod dahil sa mga nangyari ngayong araw. Umabot hanggang sa pang huling bahagi si Raidee at siya ang tinanghal na panalo pagkatapos talunin ang panghuling kalaban. Siya ang nakatanggap ng pinakamalaking premyo. Samantala, inaalalayan ko sa mga oras na ito si Klean sa paglalakad dahil hindi pa bumabalik ang kanyang lakas upang makatayo siya mag isa. Kitang-kita sa kanyang reaksiyon na patuloy niyang iniinda ang sakit. Nag aalala ako.
"Salamat!" sabi sa akin ni Klean.
"Walang anuman," sagot ko at maingat siyang pinaupo sa malambot na upuan.
Nang makaupo siya ay bahagya siyang yumuko at kinuyom ang mga kamao. Ang kanyang reaksiyon ay puno prustasyon at nararamdaman ko ang konting kuryosidad kaya naisipan ko siyang tanungin. "Klean, bakit? May problema ba?"
"Ang espada, sira na. Ano nalang ang sasabihin ko sa heneral? Hindi ako maituturing na kaanib sa pwersang militar kapag wala iyon at tiyak kong magagalit siya sa 'kin kapag malaman niya. Wala na akong mukhang maihaharap sa kanya kapag magkataon," malungkot na sabi niya.
Hinawakan ko siya sa kamay nang mahigpit. “Hayaan mo na ang espada, ang mahalaga ay ang kaligtasan mo," sagot ko.
"Tama siya kuya saka kaya ko naman pagdungtungin ito!" singit ni Raidee at nakangiting pinakita ang espadang nabali ni Klean na ngayo’y magkarugtong na.
"T-Teka p-paano mo—"
"Marunong mag ayos si Raidee ng mga armas o sandata. Isa iyan sa mga abilidad niya kaya sisiw na," sabi ni Binibining Re-L. Napangiti sa galak si Klean at sabik na kinuha kay Raidee ang espada. Kakaiba rin ang taong ito, ganyang bagay lang ay kanya ng ikasasaya. “Hindi ko alam kung ano ba ang dapat Kong sabihin pero nakakamangha ito. Parang bago,” manghang sabi niya na tila mas kumikinang pa ang mga mata kaysa espada.
"Hehehe ako pa. Siyempre magaling ito!"
"Sus, mayabang!" naiinis na sabi ni Binibining Re-L.
"Ayos lang iyon ate, gusto ko lang naman ipakita sa kanya ang pinakamaganda kong abilidad.“
"Ewan ko sa iyo. Makakuha na nga muna ako ng tuwalya at tubig para malinis ang mga sugat ni Klean," sabi ni Binibining Re-L at nagtungo sa kusina.
Bumalik sa pagkakaupo si Klean.
Tinitigan ko siya nang mariin habang magkasalubong ang mga kilay. "Bakit?" takang tanong niya nang makapansin niya iyon.Ngumuso ako at sinadyang suntukin ang dibdib niya. Iyinuko ko ang aking ulo sabay iyak. "Muntik ka nang mapahamak pero sasabihin mo lang ay bakit? Napakapabaya mo! Alam mo bang posible kang mamatay sa ginawa mo kanina? Ilang beses na kitang sinasabihan pero ang tigas ng ulo mo. Balak mo bang patayin ang sarili mo, ha? Hindi ka nakakatuwa. Puro ka nalang laban, hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Lagi kang may pasa at sugat!" mahina ngunit matatagpuan doon ang aking panenermon.
"Hindi mo naman kailangan mag alala, hindi ba't sinabi ko na rin sa 'yo na kaya ko? Kaya ko ang sarili ko bakit ayaw mong maniwala?" sagot niya. Napansin ni Raidee ang pag uusap namin ni Klean kaya nagpasya itong sumunod sa kapatid niya at isinama si Acel.
"Kahit na, hindi pa rin tama iyon. Halos mamatay na ako sa sobrang pag aalala sa iyo. Mag iingat ka naman. Ayokong mapahamak ka. Naiinis ako sa iyo!” mariing sabi ko at tinadyakan siya sa paa.
Dumaing siya ngunit agad napalitan ng tawa. Ipinatong niya sa mesa ang espada at hinawakan ang panga ko. Mas sulit ang titig niya sa 'kin ngayon kaysa nitong mga nakaraang araw. "Hindi ako mapapamahak hangga't nandiyan ka dahil ibabalik pa kita sa Wiseman kahit anong mangyari," saad niya sabay punas ng mga luha ko sa mata gamit ang kanyang hintuturo. " 'Tahan na!"
YOU ARE READING
WISEMAN KINGDOM: The War (Completed)
FantasyTatlong libong taon na ang nakalipas nang paslangin ang makapangyarihang prinsesa ng kalikasan matapos siyang patayin ng isang miyembro ng maalamat na angkan ng mga puting lobo. Matapos ng kanyang kamatayan, naghintay siya ng ilang taon bago muling...