KABANATA VII

361 101 2
                                    

KABANATA VII: DEBATE

Shanelle

Isang linggo na ang nakakalipas simula noong dumating sa palasyo si Lhyster. Palagi niya akong sinusundan at kinukulit saan man ako pumaroon. Madalas siyang magpasikat sa harap ko sa pamamagitan ng pakikipagtunggali sa mga guwardiya ng palasyo. Ayaw niya akong tigilan. Nais ko rin humingi ng tulong sa aming mga magulang ngunit ayaw akong paunlakan 'pagkat maayos na raw ang kalagayan ko sa mga kamay ni Lhyster. Sa totoo lang, mas lalo pa akong nahihirapan kaysa sa kabalyerong inirekomenda para sa akin. Wala na rin akong balita lalaking iyon. Hindi ko na alam ang aking susunod na gagawin kapag hindi pa siya magpakita rito. Ilang araw na akong naghihintay sa kanya ngunit wala pa rin akong matanggap na balita kung may plano pa ba siyang bumalik o hindi na. Alam kong masama ugali ko ngunit mas pipiliin ko pa yata iyon ngayon.

“Prinsesa, nais mo bang kumain Kasama ako? Ang kanilang mga pagkain ay napakasarap, tiyak iyong magugustuhan, gusto mo bang masubukan?” ngiting tanong sa akin ni Lhyster na nakaupo sa upuan. Pinaghahanda siya ng makakain ni aling Theresa.

“Hindi. Ayoko, busog pa ako!” masungit kong sagot.

“Ha? Ngunit hindi ka pa kumakain. Paanong busog ka?” takang tanong niya.

“Basta't busog ako kaya 'wag mo akong kulitin. Manatili ka rito, huwag kang susunod, may pupuntahan lang ako,” sagot ko at nagmadaling lumabas. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya basta't bigla nalang akong tumakbo. Gusto ko lamang siyang takasan. Naiilang ako kapag siya ang aking kasama.

Napahinto ako sa pinto sapagkat bigla akong hinarangan ng dalawang guwardiya gamit ang mga hawak nilang sibat. Isa-isa ko silang tiningnan. “Lalabas ako kaya padaanin niyo ako. Utos ito,” sabi ko.

“Ngunit hindi ka po pinapayagang lumabas ng mahal na hari,” sagot ng nasa kanan.

“Subalit maaari ko naman kayong utusang palabasin ako,  ’di ba” sabi ko.

“Paumanhin po pero ang hari pa rin ang masusunod,” sabi naman ng nasa kaliwa.

Napapaadyak ako sa inis at nag isip ng paraan kung papaano sila malulusutan ngunit dahil walang pumapasok sa utak ko, harap-harapan akong tumakas. Pwersahang ko silang dalawa na tinulak at kumaripas ng takbo palayo. Sinubukan pa nila akong habulin ngunit agad ding sumuko dahil sa pagod.

Matagumpay akong nakalabas ng palasyo na hindi nalalaman nina ama at ina. Pumunta ako sa palengke upang doon magsimulang mag ikot-ikot. May dala akong pera kaya makakabili ako ng damit. Magpapalit ako para hindi makilala ng mga taong bayan kundi iisipin nilang tumakas na naman ako.

Pumunta ako sa bilihan ng damit. Tinakpan ko lang ang mukha ko ng pamaypay upang hindi ako makilala ng tindera. “Magandang umaga po. Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?” asikaso sa ’kin ng tindera.

“Ah, mayroon ba kayo ritong damit na pang magsasaka?” tanong ko. Natahimik ang babae at nakangangang natulala sa 'kin. Hindi ba niya inaasahan na iyon ang aking pakay? Sa bagay, hindi halatang ako ay nagsusuot ng ganoon sapagkat ang aking hitsura maituturing nga lang na pangmaharlika.

Naubo ako dahilan upang maibalik ko siya sa kanyang ulirat.

“Ipagpaumahin mo po binibini ngunit sigurado ba kayo riyan? Hindi ba’t mas nababagay sa iyo ang mas magandang damit?” anito.

WISEMAN KINGDOM: The War (Completed)Where stories live. Discover now