KABANATA XXXVI

175 20 0
                                    

KABANATA XXXVI: MULING PAGBANGON

Shanelle

Kinikilabutan ako, nag aalala at natatakot tungkol sa posibleng mangyari sa akin kung sakaling magkamali ako ng kilos. Nangangalay na ang buong katawan ko dahil kanina pa ako nakatayo rito at hindi gumagalaw. Kanina ko pa rin pinapakinggan ang mga pinagsasabi niya. Magkakasunod na tumutulo ang pawis ko sa noo. Wala manlang akong maisip na paraan para matakasan siya. Paano ko ba magagawa iyon, laging nakatuon ang mga mata niya sa akin.

Ang mga ngiti niya'y puno ng pagkukunwari. Alam kong may balak siyang masama laban sa akin at iyon ang hindi ko palalagpasin. Kailangan ko na talagang makatakas dahil hahanapin ko pa si Klean. Alam kong may kinalaman siya sa pagsabog. Delikado kapag mahuli siya, tiyak papatayin siya. Wala siyang puwedeng mapaghingian ng tulong kundi ako. Handa ko siyang tulungan ngunit ang tanong, naroon din ba si Binibining Yuki? Sa ngayon, matatagalan ako bago makapunta sa pinangyarihan ng pagsabog. Kailangan ko munang makalampas dito.

"Prinsesa, ano sa palagay mo? Naniniwala ka na ba?" pagtatapos ng mahabang kuwento niya. Sa wakas, natapos din siya. Muntik na rin akong makatulog do'n ha.

"Hindi ako naniniwala sa ’yo, sino ka ba para sabihin sa ’kin iyan? Nababaliw na kayo!” iritang sabi ko.

“Hindi kabaliwan ang sinasabi ko, lahat ng iyon ay totoo. Kung gusto mo, patutunayan ko sa ’yo,” sabi niya at akmang lalakad palapit subalit pinigilan ko siya.

“Diyan ka lang, huwag mong subukang lumapit!”

“’Wag kang mag alala, wala naman akong balak na gawan ka ng masama, gusto ko lang ipaunawa sa ’yo na oras na para gumising ka sa katotohanan. Sumama ka nalang sa ’kin para wala ng problema,” malambot na sabi niya na may pamimilit.

“Mas pipiliin ko pang mamatay kaysa sumama sa ’yo!” mariing sabi ko.

“Hindi ko akalaing bastos ka palang kausap, mahal na prinsesa. Kanina pa ako dakdak ng dakdak, pero binabalewala mo lang ang alok ko? Nakakababa!” Marinig ko palang ang tinig niya alam kong may masama na siyang balak. Batay sa nakikita ko, marami na siyang napatay at kitang-kita iyon sa mga kamay niya. Naaamoy ko rin ang sariwang dugong nanggagaling doon. May katalasan ang pang amoy ko kung kaya't nalaman ko agad.

“Hindi ako natatakot sa ’yo!” sabi ko ke't ang totoo, gusto ko na talagang maihi sa takot. Masyado lang akong matapang magsalita ngunit totoong duwag.

Sa halip na magalit siya, natawa ang loko. Mukha bang nakakatawa ang sinabi ko? Halata bang napilitan ako pagkasabi no’n? Bakit parang lahat nalang ay gusto niyang tawanan? Nagpapatunay ba iyon na baliw siya?

“Seryoso ako!” sabi ko.

“Alam ko, alam kong seryoso ka at hindi dapat ako tumatawa, hindi  ba?” anang niya. “Baliw!” mahinang pag asik ko. Hindi ko alam kung normal ba siya o talagang may sayad sa utak. Hindi, hindi ko dapat iniisip ito dahil unang-una, ganito talaga ang mga ugali ng mga kaaway. Mas mainam sa kanila ang ngisian o tawanan ang kalaban kaysa seryusohin, paraan ng pang iinsulto nila iyon para galitin ang isang tao. Kaya karamihan sa mga kalaban nila'y agad natatalo dahil mabilis uminit ang ulo.

“Kung wala ka ng ibang sasabihin, palayain mo na ako at nang sa gayun ay mapuntahan ko ang taong gusto kong puntahan.”

“At sa tingin mo ba hahayaang kong mangyari iyon?” tanong niya habang iginagalaw ang mga kamay. Napalunok ako sa ikalawang pagkakataon at tumalas ang pagbabantay sa mga kinikilos niya. Habang tumatagal, nagbabago ang awra na nakikita ko sa kanya. Ang kanyang presensiya ay panganib.

Bago ko pa man mabanggit ang isang bagay sa kanya, pinasiklab niya na ang kaniyang unang ataki. Tumilapon ako patungo sa damuhan at agad na nasamid nang sumakit ang tiyan ko. Hindi niya ginamit ang espada niya bagkus suntok na binudburan ng malakas na pwersa.

WISEMAN KINGDOM: The War (Completed)Where stories live. Discover now