KABANATA XVI: USOK
Klean
Masayang nagluluto sa kusina sina Shanelle at Binibining Re-L. Naririnig ko ang kanilang mga tawanan. Narito lamang ako sa may sala at nagbabasa ng librong iniabot sa akin ni Binibining Re-L upang hindi raw ako mabagot dito. Tungkol lamang ito sa mga alamat kaya’t panay lipat ako sa mga pahina nito hanggang sa mapadpad ako sa isang larawan ng prinsesa. Nakasuot ito ng kula berdeng bestidang sumasayad sa kanyang paanan. Makinang ito, kasing kinang ng kanyang mahabang buhok.
“Sino ito?” tanong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang mukha ng prinsesa. Dahil sa aking kuryosidad, naisipan kong tingnan ang nakasulat sa balat ng libro. Namilog sa gulat ang aking mga mata nang mabasa ko ang maliliit na sulat sa gilid nito. Katulad na katulad ito sa naikuwento ni heneral sa amin. Ibig sabihin, maaaring ang prinsesang ito ay buhay sa taong ito. Hindi lang iyon, kahawig niya si Shanelle.
Kinagat ko ang aking ibabang labi at inilagay sa mesa ang libro. “Hindi rin. Kapag mangyari iyon, mas lalo lamang malalagay sa panganib ang kanyang buhay,” sambit ko.
“Sa lumipas na libong taon, nawasak ang bayan ng Franchiarelle kung saan nananatili ang angkan ng mga lobo ngunit mayroong isang buong pamilya ang nakaalis sa lugar na iyon bago ito mawasak. Marami ang nagsasabing, buhay pa ang pamilyang iyon hanggang sa panahong ito sapagkat ang dugo nila ay walang kamatayan. Maari itong magpasalin-salin sa maraming henerasyon upang manatili ang kanilang angkan,” rinig kong kuwento ni Binibining Re-L kina Shanelle.
“Isa silang alamat tulad ng prinsesa ng kalikasan, hindi ba?” tanong ni Shanelle habang nagpupunas ng plato gawin ang tuyong basahan. “Tama ka. Sila nga’y alamat. Hindi ba’t nakakatuwa? Ngunit lahat sila’y mabababangis,” sagot ni Binibining Re-L.
“Sa iyong palagay ate, kung may buhay pa man sa kanila, nasaan naman kaya iyon nakatira ngayon?” rinig kong tanong ni Raidee sa ate niya.
“Aba, bakit ako ang iyong tinatanong? Hindi ko alam ang sagot diyan. Pagkatapos ng insidente, wala ng naging balita sa kanila,” sagot ni Binibining Re-L. “Alam mo, si Klean. . . .kakaiba ang hitsura niya. Hindi ba’t sabi mo mula kayo sa mundo ng mga tao ngunit bakit tila kakaiba ang kanyang anyo? Wala ba siyang lahi na may taglay na kapangyarihan o natural iyan sa kanya?”
“Hindi ko alam pero may palagay akong normal lamang iyan sa kanya. Nang makilala ko siya'y ganiyan na ang kanyang hitsura,” sagot ni Shanelle. Bahagya akong napatingin sa malapad na salaming nasa harap ko. Lumapit ako at tiningnan ang aking mga mata. Ngayon ko lang din ito napansin. Ibang-iba nga ang aking hitsura sa mga tao.
“Ngunit bagay naman iyon sa kanya. Siya ay napakagandang lalaki,” sabi ni Binibining Re-L.
“Talaga? Parang hindi naman,” tutol ni Shanelle.
“Ha? Bakit, kayo ba’y may konting tampuhan?” tanong ni Binibining Re-L.
“W-Wala. Bakit kami magtatampuhan sa isa’t isa, hindi ko naman siya kasintahan.”
“Ah, hindi lamang kayo magkasundo. Parang parati yata kayong nagtatalo. Siya ba’y nakakainis?” tanong ni Binibining Re-L.
“Sobra. Masyado siyang pilingero.”
“Kung ako ang tatanungin, bagay kayo sa isa’t isa,” natutuyang wika ni Binibining Re-L sabay tumawa.
“Hindi. Hindi. Hindi maaari.”
“Ayos lamang iyan kung nahihiya ka. Ganiyan talaga sa umpisa, kaya masasanay ka rin at mukha nga ring malapit kayo sa isa’t isa, bakit hindi ’di ba?”
“Ang totoo, ate Shanelle. . . .may konting pag ibig ka ba kay kuya Klean?" tanong naman ni Raidee.
“Shh, 'wag kang maingay at baka ika’y marinig no'n,” saway ni Shanelle kay Raidee. Hindi ko maunawaan kung ano ang kanilang pinag uusapan ngunit nararamdaman kong tungkol iyon sa pag ibig.
YOU ARE READING
WISEMAN KINGDOM: The War (Completed)
FantasyTatlong libong taon na ang nakalipas nang paslangin ang makapangyarihang prinsesa ng kalikasan matapos siyang patayin ng isang miyembro ng maalamat na angkan ng mga puting lobo. Matapos ng kanyang kamatayan, naghintay siya ng ilang taon bago muling...