Chapter 2

40 7 14
                                    

KARINA'S  POV

"Shut the fuck up, Rose! I told Jerry that I'll be on a long vacation! On a long fucking vacation! What are you talking, you booked me for Paris Fashion Week? How stupid can you get?!"

Nakakaasar! Bakit ang tatanga ng mga tao ngayon, my god?! I was yearning for a well-deserve vacation all through this years of working. Nakakapagod rin kasi. Kaya nung makarating sa 'kin yung invitation na ikakasal ang pinsan kong si Priel, I grabbed the opportunity and go home.

Sinabi ko kay Jerry, ang handler ko sa Storm Management, na mahabang bakasyon ang gusto ko at pumayag siya. Pero ang pakialamerang Rose na 'to, nag-book sa 'kin para maging opening model sa Paris Fashion Week.

Like what the heck! I was supposed to go Palawan to unwind but her stupidity, I aaargghh!

"I'm sorry, Karina. I didn't know you already filed for vacation. I'm sorry, but you can't say no to PFW. Masisira ang reputation ng Storm pag nag-back out ka," narinig kong sabi ni Rose sa kabilang linya.

"You know what, Rose? Fuck that reputation. I don't care!"

Pinatay ko ang cellphone ko at binato sa sulok ng backseat bago ako bumaba ng sasakyan. Tumayo muna ako sa gilid, bumubuga ng hangin. Kailangan kong kumalma dahil masisira na naman ang composure ko. Ayokong makita ako ng mga guest na nakasimangot.

Tumingin ako sa paligid. Maraming puno sa paligid. I could also hear gushes of waters from somewhere. Falls siguro. Or fountain.

Napasimangot na nga ako nang maalala yung pagkahulog ko sa fountain kanina sa Rosewood dahil sa bwesit na unggoy at mukhang unggoy na Cassian na yun!

Kinailangan ko pa tuloy bumalik sa bahay para lang magpalit ng damit.

I decided to just wear a maroon dress. Gusto ko sana yung gold color pero naalala ko yung sinabi ni Cassian na naa-attract daw sa shimmering colors ang mga orangutan. Natakot naman ako, kaya hindi na rin ako nagsuot ng alahas.

So, ito pala ang Montclaire. I've never been out of Verona City during my stay when I was still at highschool, kaya hindi pamilyar sa akin ang dakong ito ng Sta. Rita Valley.

Ni-lock ko muna yung kotse ko bago ako naglakad papasok ng Reception Hall.

It seems like the wedding party continues. Marami pa rin ang guest at nandoon na rin ang bagong kasal.

Tumingin agad sa akin ang ilang kalalakihan na guest nung pumasok ako. Well, they can't help it. Maganda ako eh. Sanay na ako sa atensyon kaya balewala na lang sa akin ang lahat.

Hinanap ng mata ko si Ate Anne. Nandoon siya sa isang table kasama ang anak niyang si River at ang ilan pang relatives namin. Naglakad ako palapit sa table nina Ate Anne.

Nahagip ng paningin ko si Priel at Jessica sa may center podium. Nakasimangot ang lalaki habang nakatingin sa asawa na kumakain. It seems like Priel disapproved Jessica's way of eating. She's eating a mountain. Yay. Pero di siya mapigilan ng asawa niya.

Tatawa na sana ako pero napadako bigla ang paningin ko sa isang sulok. Sa dalawang pigura na nag-uusap sa tabi. Automatic na umigkas ang kilay ko.

That Cassian, he was chatting happily to a girl identical to the bride. Iisipin ko sanang si Jessica ang kausap ni Cassian pero imposible yun dahil kasalukuyang nagtatakaw si Jessica sa lamesa nila. If the girl isn't Jessica, then she's probably the twin.

Umismid ako nang makitang pangiti-ngiti si Cassian sa babae. Para siyang nagpapa-cute na ewan.

Tsh! Samantalang sa 'kin ang gaspang gaspang ng ugali niya. Gusto ko siyang batuhin ng heels pero nakita kong kumaway na si Ate Anne sa 'kin kaya nagpigil ako.

Sands of Serendipity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon