KARINA'S POV
"So I heard na photographer nga din si Jessica. I never knew na tulad mo din pala siya," sabi ko na lang.
"Adventurous?" ani Cassian.
"Mahilig sa unggoy!"
Cassian stared outside the window of the airplane. Suddenly he was in deep thought. What? Taboo topic na ba si Jessica ngayon? Iwas-mode siya kasi masakit sa dibdib? Lol.
"She just loves animals above all," mahinang sabi ni Cassian. Sa sobrang hina muntik ko na siyang hindi marinig.
"Ano?" tanong ko.
Hindi na nagsalita si Cassian kaya tumahimik na rin ako. Kinuha ko yung earphone ko at muling isinuksok iyon sa tenga. Mas mabuti pang makinig na lang ulit ng kanta ng Rozier.
Alam kong nakikinig lang ako sa music kaya nagulat ako nang muntik na akong masubsob sa kung ano. When I turned around I saw Cassian staring at me, holding his laughter.
"Maglalanding na tayo sa Hongkong, Sleeping Beauty!" sabi niya. "Tutulog-tulog ka sa pansitan."
Huh!?
Luminga ako sa bintana at nakita ko nga ang mga building at skycrapers kung saan kita ang siyudad ng Hongkong. Hala! Nakatulog pala ako nang hindi ko namamalayan.
"Fasten your seatbelt. Baka tuluyan kang masubsob dyan," narinig kong sabi ni Cassian.
Pero nakatitig lang ako sa labas ng bintana.
Naramdaman kong dinukhaw ni Cassian ang kung ano sa may bewang ko kaya napapitlag ako.
"Don't touch me!" sigaw ko.
Cassian throw his hands up in the air. "Well I'm sorry, Your Majesty! Tutulungan lang sana kitang ikabit ang seatbelt mo—"
"I can handle it!" gigil na sabi ko sabay hablot sa seatbelt sa gilid ng upuan.
Cassian scoffed. "Ganyan ka ba kapag kagigising? Badmood?"
Hindi ko siya pinansin. Ngumuso lang ako at hinintay na lumapag ang eroplano. My ears adjusted to the pressure and it hurts.
Tatlong oras ang itatambay ko dito sa Hongkong bago ang madugong sixteen-hour flight papuntang Madrid. Isipin ko pa lang napapagod na ako.
Nang magsalita ang flight attendant na pwede nang bumaba ng eroplano ang mga pasahero ay tumayo na ako sa upuan ko.
Nang tumingin ako sa pwesto ni Cassian ay wala na ang lalaki. Sobrang bilis niyang na disappear sa kawalan. Siguro tumalon siya sa bintana, whatever. I dont care.
Nagugutom ako kaya restaurant ang unang pinuntahan ko. Meron naman nun sa labas ng airport kaya doon ako pumunta.
I was about to enter the restaurant kaya lang natigilan ako nang makita ko si Cassian sa di kalayuan. Nasa ilalim siya ng puno na parang namamahinga na ewan. May camera na nakasukbit sa leeg niya at kasalukuyang nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa 'kin.
Anong ginagawa ng lalaking yun?
Na-curious ako kaya humakbang ako papunta sa kinaroroonan ng lalaki. "Hoy unggoy!" tawag ko.
Cassian immediately laughed. Nawala ang pangungunot ng noo niya. May pagkasinto-sinto din talaga ang lalaking yun. Tsk!
"Kamahalan!" sigaw niya.
BINABASA MO ANG
Sands of Serendipity
Roman d'amourKarina Trevino, a bratty supermodel, and Cassian Ahren Aquinas, a heartbroken man, find their paths crossing at a wedding. Their unusual tension is fueled by Cassian's indifference towards Karina's charm. Fate takes an unexpected turn when they end...