Chapter 11

24 5 1
                                    

CASSIAN'S  POV

"Where are we really going? Do you even know what place is this? What time is it? Probably close to morning, isn't it? I'm really tired! Can we just, you know, stop for a moment? These desert is fucking wide and long! And who knows, it might be endless?! There's probably a warp around here! And we just kept on walking in circles! I swear, I've seen this plant before! Are you really sure—"

"Can you please shut your mouth for a moment!?" sigaw ko. At agad na napapreno si Karina sa kakangawa.

Diyos ko! Natutuliro na yung tenga ko sa boses niya. Akala ko si Jessica lang ang madaldal na kakilala ko. Hindi ko akalaing may bertud din pala sa bunganga 'tong pinsan na 'to ni Priel.

Karina stared at me. No. She's glaring at me. I therefore conclude na pagod na siya at puyat kaya iba na siya kung makatingin. Kanina ang tahi-tahimik niya. Sunod lang siya nang sunod sa akin kung saan ako pumunta. Ngayon panay na ang tanong at reklamo niya.

Tumigil ako sa paglalakad. Tumigil din si Karina. Nakanguso siya kaya napabuntung-hininga ako. "Look. Lalo kang mapapagod kung magsasalita ka nang magsasalita, so I just told you to rest your mouth a bit."

Lalo siyang ngumuso. "Maririnig ka ng mga ahas."

Pagka-rinig sa mga ahas ay agad naging alerto ang babae. Nanlalaki ang matang iginala niya ang paningin sa paligid. Pinigilan kong matawa. Wala lang. Nakakatawa kasi yung itsura niya.

Gulo-gulo ang buhok ni Karina, ganundin ang damit niya. In other words, wala na siyang poise.

'Pero ang ganda niya pa rin!' sigaw ng retarded na bahagi ng utak ko. Hindi na ako kumontra. Totoo naman eh.

Isa pa, she'd been through a lot. Yung pagbagsak na lang yun ng eroplano ay grabeng trauma na ang inabot ni Karina. Paano pa kaya yung nasaksihan niya at yung paghabol sa kanya?

Humugot na lang ako nang hininga at tumingin sa paligid. We're still in the middle of nowhere. Hindi ko rin alam kung saan kami pupunta at kung nasaan na ba kami. Hinihintay ko ang pagsikat ng araw bago ako magplano nang gagawin.

Mahirap gumalaw kung madilim.

It was close to morning, I think. Nakikita kong malapit nang sumikat ang araw. Bahagya nang sumisilip ang liwanag mula sa silangan. Minarkahan ko na agad na yun ay silangan para hindi ako malito sa dereksyon.

Nakita ko ang isang medyo mataas pero patag na bato sa di kalayuan. Tinuro ko yun kay Karina. "Oyyy Merida, pahinga muna tayo dun!" sabi ko.

Nag-martsa ang babae papunta sa patag na bato. "Sigurado kang walang ahas dito?"

"Hindi ko sigurado. Pero kung meron eh di papaalisin ko muna. Sasabihin ko makikitulog muna tayo."

Lumingon si Karina sa akin na nakasimangot. Tumigil din siya sa paglalakad.

"After you, your highness!" sabi ko.

Umiling siya. "Mauna ka. Para kung may ahas man, eh di matutuklaw ka muna."

"And if I die? Maka-survive ka kaya sa desyerto na 'to nang mag-isa?" taas-kilay kong tanong.

"Pipilitin ko. Para di naman nakakahiya sa kaluluwa mo!" sikmat ni Karina.

Humagalpak ako nang tawa. Hindi ko napigilan eh. Talagang nakakatawa 'tong babaeng 'to. Although minsan nakakaasar at nakakapikon siya, mas lamang yung nakakatawa siya. Especially, yung expression ng mukha niya.

Inis na sumampa ng bato si Karina. At agad siyang naupo doon. Mukhang pagod na nga talaga siya. Hinimas niya agad ang binti at paa niya.

Umiiling na sumampa rin ako sa bato at naupo paharap sa sikatan ng araw. The stone was cold but was it was pretty smooth. Komportable naman siyang upuan.

Sands of Serendipity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon