Chapter 6

26 5 10
                                    

CASSIAN'S  POV

A loud sound suddenly boomed right before my ear. Napabalikwas ako ng bangon.

"Aaahh!"

Handa na akong tumakbo papunta sa pintuan, pero natigilan ako nang makitang hindi pamilyar ang environment na nabungaran ko. "Eh?"

It wasn't my room. The place I'm in are much bigger than mine. Nasaan ako? Hindi ko matandaang pumunta ako rito.

Luminga-linga ako sa paligid. I don't know what place is this. But I have a hinch that this is a hotel room. Bilang lagalag na tao sa mundo, halos lahat na yata ng hotel sa mundo eh natulugan ko na. So it's easy to tell na nasa isang hotel room din ako.

The question is, why am I here? Ano bang ginawa ko kahapon?

The annoying sound kept on pestering my ears so I looked for the source of it and found my phone ringing. Malapit yun sa unan na ginamit ko kanina. Kinuha ko yung phone at nakita ko ang pangalan ni Logan, a fellow worker at NatGeo. Tumatawag pala siya.

Masakit pa ang ulo ko sa totoo lang. Sa loob at sa labas. I mean, yung mga neurons ko sa utak parang sasabog. At pakiramdam ko may pumukpok sa ulo ko kasi nakakapa ko na may bukol ako.

"Hello, Logan?" sagot ko sa tawag.

Tumayo ako sa kama pero nahihilo pa ako kaya napaupo ulit ako.

"Sian, pre! Nasaan ka na?!" sigaw ni Logan sa kabilang linya.

Logan is this another loudmouth videographer from National Geography Legendary Team. Nagkakilala kami nung makasama ko siya sa isang project sa City of Petra. Unlike me, medyo bago pa si Logan sa team kaya ako ang madalas na lapitan niya dahil masungit daw ang mga banyaga naming katrabaho.

"Nasa Pilipinas pa," sagot ko. I hope na nasa Pilipinas pa nga talaga ako.

"Kelan ka babalik dito?"

"Pabalik na ako, wala lang akong makuhang flight na derekta dyan sa Flavia. Kailangan ko pang pumunta sa Europe."

"Relay flight sucks, isn't it?" tawa ni Logan. "Kamusta ang wedding ni Jessica? Wala akong makitang article about sa wedding niya. Akala ko ba bigshot napangasawa nun?"

Kilala din ni Logan si Jessica, nagkasama sila sa isang project sa Cayman Island dati. "Private ang wedding, walang press. Gusto ng asawa ni Jessica na gawing simple ang kasal. Jessica asked me why didn't you come. I told her ikaw ang reliever ko kaya hindi tayo pwedeng magsabay ng leave."

"Ah. Mabuti naman at pinaliwanag mo, pare. Gustuhin ko mang umuwi din dyan sa Pilipinas alam mong sobrang hirap ng transportasyon dito sa West Africa. Mag-iingat ka pala pagpunta mo dito, Sian." biglang dumiin ang tinig ni Logan. Medyo nabaghan tuloy ako.

"Bakit?"

"May sirkulasyon ng balita dito na maraming nalipanang Vuldus sa buong kontinente lalo na dito sa may Flavia at Ab-Nala. Kung babyahe ka papuntang kapitolyo, umiwas ka sa Ribo. Mas ligtas kung malayo sa Sahara. Paalis na rin kami dito sa Flavia. Iniintay ka lang namin."

"Vuldus? Anong Vuldus?" nagtatakang tanong ko.

"Sand Pirate. Desert Pirate. Basta yun ang tawag sa kanila, Vuldus. Mga pirata sa buhangin."

"Oh."

Hindi ko pa narinig ang tungkol sa mga Vuldus. Bago lang siguro ang grupo na yun.

"Sige, pare. Salamat sa impormasyon. I'll be there soon."

Sands of Serendipity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon