Chapter 10

27 4 0
                                    

KARINA'S  POV

'Bakit ba kita pinoproblema eh hindi naman kita kaano-ano?'

Yeah. Why though?

'You're not even my friend!'

I know. I know.

'Ginagawa ko lang naman to, para kay Priel. Dahil pinsan ka niya. At asawa niya si Jessica! I don't want my bestfriend to hear I'd let you die knowing you're her husband's cousin.'

Those words. Those sentences, they punched me back into reality. Where its clear that Cassian and I are still stranger to each other.

Nakatingin lang ako kay Cassian habang naglalakad siya papalayo. Unti-unti siyang nilamon ng dilim. Nagalit na nga talaga siya nang tuluyan. At hindi ko alam kung susunod ako sa kanya o ano. Malaking bahagi ng utak ko ang nasabing sundan ko siya, dahil siya lang ang pwedeng makatulong sa 'kin. Pero parang may mga kamay na pumigil sa'kin na gawin yun.

Hindi ko siya kaibigan, siya na rin ang nagsabi. Kaya para saan pa at susundan ko siya?

Was it my fault? Wanting to know what's happening? For godsake, gusto ko lang malaman ang nangyayari. Natatakot ako. At mas nakakatakot yung wala akong alam. I don't want to run there in the dark like a blind man.

Bakit nagalit na siya agad? I'm just asking.

Well, siguro nga tama siya. We better part ways.

Nang hindi ko na matanaw ang lalaki dahil na rin sa dilim ng gabi ay napabuntong hininga na lang ako. "That's it, Merida. Get on with your life," bulong ko sa sarili ko.

Pumihit ako pabalik at tinahak ang daan papunta sa lugar kung saan karamihan sa mga pasahero ay nagkakatipon. Lumiliyab pa rin ang eroplano, pero hindi pa ito sumasabog.

Iniisip ko yung sinabi ni Cassian, na binaril daw sa ulo ang mga piloto at ang mga crew ng eroplano. Na na-hijack daw kami.

Pero paano nangyari yun? Buong panahon ay ayos lang naman ang paglipad, maliban noong nagkaroon ng turbulence. How come na nasabi yun ni Cassian? Was it really a trap? Or he was just being delusional. Although it was really strange bakit sa Sahara pa kami nag-landing? Spain is much nearer compare to this barren land. The control tower could have.

Natigilan ako sa paglalakad.

Wait. Wait. Wait.

There's lot of airports over Mediterranean! May komunikasyon ang eroplano sa bawat control tower, pero bakit dito pa rin sa Sahara pinili ng piloto na i-land ang—

I still can't see the picture. Aaagh. Bahala na nga!

Muli kong nilingon ang lugar kung saan nawala si Cassian. Mukhang hindi na talaga siya babalik. Iniwan na nga niya ako.

Somehow, masakit. Masakit sa pride ko. Pero wala na akong magagawa. I'm just Priel's cousin, duh!

Humugot ako nang hinga bago tinungo ang dako ng nagkakatipong pasahero.

Ang nagliliyab na bahagi ng eroplano ang nagsilbing ilaw sa desyertong lugar. Pansin ko na tuyong-tuyo ang lupa at may halo itong buhangin. Although may mangilan-ngilang halaman akong nakikita sa paligid. Karamihan sa kanila ay mga tuyo na.

Must have been hard to live on this barren land. Paano kaya nagsu-survive ang mga tao sa lugar na to?

"Tsk! Hindi bale. Tiyak naman na may magrerescue na sa 'min—"

Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay nakita ko ang sunod-sunod na ilaw mula sa paparating na mga sasakyan. Napangiti ako.

See? May rescuer agad. At mukhang marami sila.

Sands of Serendipity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon