KARINA'S POV
Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ko rin makulbit si Cassian, natatakot ako sa pananahimik niya. Mas natatakot ako sa kanya kesa dun sa mga humahabol sa amin.
Mahigit sa dalawampung-minuto na kami nagbabyahe at binabaybay ang daan. Ni hindi ko na rin matanaw ang mga humahabol sa amin. Naligaw na siguro sila. O baka kami yung naligaw, ewan.
My wrist hurst. My tummy hurts. My neck and thighs both feel the searing pain but I can't complain. Tinitingnan ko pa lang ang gilid ng mukha ni Cassian, alam ko nang badtrip siya.
I look at the surrounding. We're still on the desert. In the middle of nowhere. From afar I can see the mountain of dunes. In which the Sahara are famous for. Pasalamat ako na hindi kami doon pupunta. Mamamatay ako tiyak kung doon kami tutungo.
Laayoune. I wish it's near.
Napabuntunghininga na lang ako.
"We're running out of gasoline," bigla sabi ni Cassian. Napaangat ako ng tingin sa lalaki. First time niyang magsalita simula nung umalis kami sa Dora.
"Huh?" nasabi ko lang.
"Ang sabi ko paubos na ang gasolina natin," paangil na sagot ng lalaki.
Gusto kong sumimangot. Bakit parang kasalanan ko na konti na lang ang gasolina namin? Hindi ko naman yun ininom.
Pinabagal ng lalaki ang takbo ng motorsiklo hanggang sa tuluyan na kaming tumigil sa gilid ng kalsada. Mabilis akong bumaba ng motor para iunat ang mga binti ko. Tsinek naman ni Cassian ang tangke ng gasolina.
"Mga ilang milya na lang ang itatakbo nito," sabi niya habang sinisilip ang loob ng tangke.
Naalala ko ang papel na binigay nung kahero sa akin. Kinuha ko yun sa ilalim ng suot ko at inabot sa lalaki. "O!" sabi ko.
Tumingin si Cassian sa akin. Nakakunot na agad ang noo niya. "Ano 'yan?" tanong niya.
"Binigay nung tumulong sa akin. Instruction papuntang Laayoune."
Agad na nag-iwas ng tingin si Cassian. Bago tila nababanas na isinara ang tangke ng gasolina. "Hindi tayo pupunta sa Laayoune," sabi niya.
Nanlaki ang mata kong lumingon sa lalaki. "What?! Anong ibig mong sabihin?"
"Kontrolado ng mga bandido ang Laayoune ayon dun sa nakausap ko," umupo si Cassian sa isang bato bago hinilot din ang mga binti niya.
"Sinong nakausap mo?" sabi ko.
"I don't know him. But he said never to come to Laayoune."
Umiling ako. "No. No. No! Ang sabi nung kahero sa tindahan. Sa Laayoune lang tayo pwedeng pumunta. Ligtas daw doon!"
"How can you be so sure?!" Naniningkit ang matang baling sa akin ni Cassian. "Hindi ba sinabi ko sayo na huwag kang aalis doon sa tabi ng motorsiklo? Eh bakit pagbalik ko, wala ka na dun!?"
"Gusto ko lang tumulong!" sigaw ko. "Ayokong tumunganga at maghintay lang."
"So you risk your life again! Eh kung may nangyaring masama sayo?! Sinong mananagot sa mga Trevino?! Di ba ako?!" galit na sigaw ni Cassian.
Napasaltak ako. Sinasabi ko na nga ba at yun ang ikinagagalit ng lalaking 'to eh.
"Well, I'm sorry mister! I did what I needed to do! Get help! At bakit naman ikaw ang mananagot kapag may nangyari sa 'kin? Di ba nga sabi mo, hindi naman tayo magkaano-ano!?" inis na sigaw ko.
BINABASA MO ANG
Sands of Serendipity
RomanceKarina Trevino, a bratty supermodel, and Cassian Ahren Aquinas, a heartbroken man, find their paths crossing at a wedding. Their unusual tension is fueled by Cassian's indifference towards Karina's charm. Fate takes an unexpected turn when they end...