Chapter 22

22 4 1
                                    

KARINA'S POV

"Tapos ka na kumain?" mayamaya'y narinig kong tanong ni Cassian. Napansin niya atang hindi na ako kumakain.

Tumango ako. "Yeah, thanks for the food."

"Sarap 'di ba?" naka-bungisngis niyang tanong.

Umismid ako. "Masarap kasi wala akong choice."

Tumawa ang lalaki. "O, ligpitin mo na 'yang pinagkainan natin."

Napasimangot ako bigla. "Why me?"

Tumayo si Cassian at lumapit sa may bintana. "Because I cooked, so it's your turn to wash the dishes." He peeped through the blinds, looking outside. As if checking the surrounding.

"Wala bang hotel service dito?" simangot kong tanong.

Lumingon si Cassian sa 'kin. "Wow, hotel service? may nakita ka bang service dito simula nung dumating tayo? What are you expecting from a zero-rated hotel in the middle
of desert Merida?"

Oo nga naman.

Napabuntong-hininga ako. Wala nga akong choice kundi maghugas. Tumayo ako at inisa-isang ayusin ang mga plato. Nakatingin lang sa 'kin si Luscrea, bahagya ding nakangiti ang bata. Weird lang, she creep me up sometimes.

Pinipilit kong pagpatungin ang mga plato, kutsara at baso sa tray pero nahuhulog ang mga 'yun sa sahig. Buti na lang may carpet yung ilalim ng mesa kaya hindi nababasag ang baso at plato. Nai-stress na ata si Cassian sa ginagawa ko kaya lumapit siya sa 'kin at inagaw ang mga pinagkainan.

"Jusko po, Mahal na Prinsesa! Paano ka nabuhay sa mundong ibabaw? Ni mumunting pagpatong ng mga plato eh hindi ka marunong?" halatang gigil na tanong ni Cassian.

Ngumiti lang ako at di nagsalita. Hinayaan ko ang lalaki na ayusin ang mga pinagkainan namin.

Binuhat ni Cassian ang tray at nagmartsa palabas ng kwarto. Napamaang ako. "O? Akala ko ba ako ang maghuhugas?" tanong ko.

Lumingon ang lalaki na nakanguso. Muntik na akong mapatawa. "Ako na, baka mabinat ka pa," aniya bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Wala na akong nagawa, gusto ko mang makatulong palpak naman ako lagi. Napafrustrate na tuloy si Cassian sa 'kin, hindi man niya aminin. Hindi na bale, bukas naman daw na hapon ay makakaalis na kami ng lugar na ito. Hindi na sasakit ang ulo niya sa 'kin.

"Luscrea, come let's sleep!" aya ko sa bata na nakita kong nakatayo na sa may bintana at may sinisilip.

"But I just woke up," sagot niyang di lumilingon.

"Then sleep again or else the monsters outside are gonna eat you," sabi ko. Lumapit ako sa kama at pumuwesto nang higa.

Luscrea walk away from the window and head towards me. "Are you afraid of monsters?" she asked.

"Yep, 'cause they're scary. And they eat humans," balewala kong sagot.

Luscrea scoffed before climbing the bed. "Humans are a lot scarier than monster." she murmured. "It's proven y'know. There are cute monsters and some of them are friendly. Mystic creatures like mermaids and nymphs and even dragons. Alichinos could be a little rough but they're manageable. Except for Mantas, they're total wackos. But they don't eat humans without reasons and..."

Hindi ko na pinansin ang bata. Hinayaan ko na lang siyang magmonologue at mag-imagine ng mga imaginary friends niya. Medyo kumikirot na naman kasi ang ulo ko kaya bumaling na lang ako sa kabilang kama at pinikit ang mga mata ko. Tapos ay nagbilang ako ng mga tupa, umaasang sa ika-isanglibong tupa ay magiging okay na ang lahat.

Sands of Serendipity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon