Chapter 21

21 4 2
                                    

Nagmamadali akong nagbihis bago binuksan ko ang pinto. Bumungad sa akin ang batang babae na nagkukusot ng mata. "Oh! You want to use the comfort room, kid?" tanong ko. Kaya naman pala walang nagsasalita. Yung bata pala.

"Luscrea," biglang anas ng bata.

"Huh?" gulat kong sabi dahil nagsalita ang bata.

"Luscrea is my name," aniya. Balewalang pumasok ang bata sa loob C.R. Naiwan akong natitigilan.

Nagsalita talaga siya. Sabagay noon pa naman nagsasalita siya eh pero hindi kami ang kausap niya kundi yung matandang kasama niya. Akala ko kaya hindi siya nagsasalita eh dahil sa lenggwahe lang nila ang alam niya. But it doesn't seem the case. Alam niya ang English, or at least the basic of it.

Nagkibit-balikat akong naglakad palapit sa may dresser at inayos ko na lang ang sarili ko.

Nagsusuklay ako ng buhok nang bumukas ulit ang pinto at pumasok si Cassian na may dalang malaki tray. "O wow, nakaligo ka na? Matagal ba ako? Whoa! Asan yung bata?!" gulat niyang sabi nang makitang wala ang batang babae sa kama.

"Andun sa C.R. umiihi lang ata. Panic ka kaagad dyan," ingos ko.

"Bakit hindi? Natural lang yun sa magulang kapag hindi nakita ang anak nila," aniya habang inaayos sa mesa ang mga pagkain niyang dala.

"Wow. I bet you'll be the best daddy in the world, Cassian." sabi ko.

"Thank you!"

Mm. Insulto dapat yun eh.

Lumapit ako sa lalaki at tiningnan ang dala niyang pagkain. Puro gulay ang nakita ko. "What's that?" turo ko sa isang green-looking plant na parang damo.

"Seaweeds yan."

Pinigilan kong ngumiwi. Eew.

"Eh yan?" turo ko pa sa isa ring mukhang damong gulay.

"Spinach."

Oh. At least kumakain ako nun. May isda din doon pero hindi pamilyar sa 'kin ang isda.

"Saan galing ang isda? Kelan pa nagka-isda sa desyerto?" tanong ko.

Napatawa si Cassian. "In-export yan galing pa sa Mauritania. Hindi yan nahuli sa Sahara, huwag kang mag-alala."

"Okay. Eh bakit walang kanin? At ano yan? Mais ba yan?"

"Wala tayo sa Asia, Merida. Mahirap humanap ng bigas dito. Mostly, trigo lang ang meron sila kaya tinapay ang pangunahing pagkain ng mga tao dito. Buti nga may mais eh, alternative sa bigas. Nakagawa pa ako ng corn soup. You'll like that, I'm sure," anang lalaki.

"Sabi mo eh."

Mayamaya, lumabas ang bata sa C.R. Basa ang damit niya at mukha. Siguro pinilit maghilamos.

"Oh! Your clothes are wet," sabi ko. Kinuha ko ang damit sa paperbag. "Come here Luscrea, change your clothes."

"What Luscrea?" react ni Cassian na tumingin sa akin.

"Her name," sagot ko. "Luscrea's her name. Nagsalita na siya kanina."

Ngumiti si Cassian. "Hello, Luscrea! What a pretty name you've got!"

Ngumiti din ang bata. "It means light and guidance in Crypts," masiglang sagot ni Luscrea.

"Crypts?" maang na sabi namin ni Cassian. Pero ngiti lang din ang sagot ng bata.

"I am Cassian," pakilala ng lalaki.

Tinanggalan ko ng damit ang batang babae tinulungan siya na isuot ang damit na dala ni Cassian. Nakangiti lang ang bata sa akin. Matagal. At tsaka ko lang narealize na hinihintay niya akong magpakilala.

"Oh! I'm Karina. Karina Merida," sabi ko. First time kong magpakilala na may Merida sa pangalan. Nakita ko pa ang pagngisi ni Cassian.

"Merida? I like your name," anang bata.

"Thank you, I like your name too." Hinaplos ko siya sa buhok niya.

Pagkabihis ko sa bata ay inaya na kami ni Cassian na kumain. At dahil gutom na rin ako, hindi na ako nagpaawat.

Nakapalibot kami sa maliit na mesa. Nasa pagitan namin ni Cassian ang bata. Kung sinumang makakakita sa amin ay sasabihing isa kaming pamilya. Somehow, it feels good on my heart. Kaya pangiti-ngiti lang ako habang kumakain.

The grass is good. I mean the seaweeds and the spinach. They were tasty, especially the corn soup. Halatang nagustuhan din yun ng bata dahil panay ang hum niya.

"Did you cook this?" tanong ko kay Cassian.

Tumango ang lalaki. "Nakigamit ulit ako ng kitchen ng hotel. Okay lang ba ang lasa?"

"Yep! It was good," nag-thumbs up ako. "You're a good cook."

Umabot hanggang tenga ang ngiti ni Cassian. Pumalakpak pa siya. "Swerte ng mapapangasawa ko ano?"

Inikot ko ang mata ko. "Oo na. Oo na. Nakakainggit ang mapapangasawa mo." Sarcastic ang pagkakasabi ko pero parang walang talab yun sa lalaki.

"Bakit ka maiinggit? Eh pwede namang ikaw yun?"

Muntik ko nang malunok yung kutsara ko dahil sa sinabi ni Cassian. Napaubo tuloy ako. Agad na inabot nung bata yung baso ng tubig at uminom ako doon.

Tiningnan ko nang masama si Cassian na pangit-ngiti. "Don't joke, will you?"

"Shame. I'm not even joking."

"Stop it, Aquinas!"

"Okay... okay," hands-up na sabi ng lalaki pero tatawa-tawa pa rin siya.

Tumatawa din ang bata na palitan kaming tinitingnan. "You look like my father," casual niyang sabi kay Cassian. "And you look like my mother."

Sabay kaming natigilan ni Cassian. Ano daw? Kamukha kami ng magulang niya.

"Really Luscrea?" sabi ko.

Tumango ang bata bago sumubo ng gulay. "Yes."

"Is that why you're following us?" tanong ni Cassian.

Muling tumango ang bata. "Yes."

"Where are your parents?" tanong ko.

Pero hindi sumagot ang bata. Mukhang ayaw niyang sagutin ang tanong. O siguro, hindi niya alam ang sagot.

"Where is that woman you're with in?" tanong ni Cassian.

Biglang nalungkot ang mukha ng bata pero saglit lang yun. "I don't know. She disappeared after we runaway from the airplane."

Nagkatinginan kami ni Cassian. Mukhang kasama nga namin ang bata sa eroplano at gaya namin ay nakatakas din sila. Pero bakit naman nawala ang kasama niya?

"I was just sleeping and when I woke up she was gone."

"Where are you going?" tanong ko ulit.

"Barcelona," sagot ni Luscrea.

"Why? Is it your home?"

Umiling bata bago tinuro si Cassian. "You got my key."

Blangkong napatingin ang lalaki sa bata. "Key? What key?"

Tinuro ng bata ang bag ni Cassian sa ilalim ng kama. "It was on your bag. My key."

Tumayo si Cassian at kinuha ang bag. "Key? I've never seen any key in here."

Hinalungkat ni Cassian ang bag pero wala siyang nakitang susi. "Nada in here."

Humugot ng hininga ang bata. "It's better if you did not see the key. But it's in your bag. You're not just looking enough."

Nag-give up na si Cassian, hindi niya makita yung sinasabing 'key' ni Luscrea. Pinagpatuloy na lang niya ang pagkain. Haha. Ginu-goodtime ata siya nung bata.





Sands of Serendipity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon