KARINA'S POV
"And you may now kiss the bride!" the priest announced at the man and woman standing in front of the altar, vowing for forevermore.
Yuck.
Pinigilan ko ang urge na umismid, imbes ay pumalakpak na lang ako kasabay ng pagpalakpak ng maraming panauhin sa kasal.
Priel, my cousin stared lovingly at his wife, Jessica. At least, kita kong genuine happiness ang nababakas ko sa mukha ng pinsan ko. He was truly happy. Malayo na ang hitsura niya dun sa lalaking kilala ko noon na laging seryoso, aburido at walang ibang gustong gawin kundi ang magpayaman.
Priel, that guy. Kilala ko siya bilang one-goal, one-vision man. Driven and cold. Kaya hindi kami ganun ka-close. I find him boring and very corporate-ish. Itinuturing ko lang siyang pinsan ko dahil, well galante siya magbigay ng regalo kapag birthday ko.
Chanel bags, Louis Vuittons, round trip ticket to somewhere. Ganun siya kagalante sa 'kin. Kaya kahit papano naman eh mahal ko rin siya.
Lahat ng kasamahan ko sa modeling world, all those famous models like me kilala nila si Priel. At lahat sila nakikipagplastikan sa 'kin para makuha ang numero ng pinsan ko.
Adriana, Melissa, Gigi, Bella lahat sila gustong makatagpo si Priel. Binibigyan ko naman sila ng number. Number ng mga taxi driver sa New York City. Lol.
Di nila deserved si Priel. Malalandi sila.
Now that Priel got married for real, I think matitigil na sila sa pangungulit sa 'kin na mameet ang pinsan ko.
Lumakas ang palakpakan nang halikan ni Priel ang asawa niya. Well bagay sila, in all fairness. Walang halong kaplastikan.
That Jessica, I think matigas ang ulo niya. Bagay siya kay Priel. My cousin needs someone like her in his boring gray life.
I clapped along with the people and looked around.
Suddenly, may napukaw ang paningin ko. Isang lalaki. Wait, yung lalaking nag-aalaga nung orangutan ni Tita Vanessa! Ano ngang pangalan niya?
C. C something. Whatever.
The guy was standing at the back, staring at the married couple. The thing is mukha siyang nasasaktan. Am I imagining things? No. Totoo. Kita kong mukhang may nararamdaman siyang masakit. Was he feeling constipated? Or...
Nagtagis ang bagang ng lalaki bago pasimpleng inihilamos ang palad sa mukha. He paced upward and sighed deeply. May problema ba siya? Mukha siyang maiiyak?
He looked very broken while staring at the couple. No, he was staring at the woman. Kay Jessica! Nakatitig siya kay Jessica! He's staring at her longingly and lovingly and—
Holy shit! Nagugutom na yata ako. Kung ano-anong naiisip ko.
That guy, ang alam ko bestfriend siya ng bride. There's no way he'd look at her longingly and lovingly unless kagaya din siya ni Priel na inlove sa babae.
Funny. Ha ha.
Kelan ba matatapos ang kasal na 'to at nang makakain na ako?
Iniwas ko na lang ang tingin ko sa lalaki at lumapit sa mag-asawa na binabati na ng mga bisita. Sumabay ako kay Ate Anne na lumapit sa newlyweds.
Puro kamag-anak namin ang nasa frontline at bumabati sa pinsan ko. This wedding serves as a reunion party for the Trevinos. Ngayon ko na lang ulit sila nakita lahat matapos ang ilang taon. Nabusy ako sa career ko.
"Aunt Merida, how gorgeous you look? We missed you!"
Biglang humarang sa harap ko ang tatlong binatilyo, rather, tatlong itlog. Soram, Cid and River. At tinawag nila akong Merida, unforgivable!
BINABASA MO ANG
Sands of Serendipity
Storie d'amoreKarina Trevino, a bratty supermodel, and Cassian Ahren Aquinas, a heartbroken man, find their paths crossing at a wedding. Their unusual tension is fueled by Cassian's indifference towards Karina's charm. Fate takes an unexpected turn when they end...