Chapter 4

33 6 8
                                    

KARINA'S POV

My phone suddenly rang and I abruptly woke from sleep. Kinakapa-kapa ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan pero hindi ko yun mahanap kaya napilitan akong magmulat ng mata. Para lang makitang nasa lamptable ang cellphone ko.

Inabot ko yun at tiningnan kung sinong tumatawag. Todo-effort ako sa pagmulat ng mata dahil antok na antok pa ako.

I saw that it was Rose who's calling. Ayoko sanang sagutin kaso alam kong bobombahin niya ulit ako ng tawag kaya wala akong nagawa. Sumubsob ako sa kama.

"Hello," walang gana kong sagot.

"You're still alive, thank god!" exaggerated na bungad ni Rose sa kabilang linya. Gustong umikot ng mata ko.

"And why are you not dead yet?"

"Silly. I'm a cat, I have nine lives. Kelan ka pupunta dito sa Paris? Malapit na ang sched ng fittings mo."

Bumuntong hininga ako. Ito ang dahilan kaya ayokong kausapin si Rose eh. Ipapaalala lang niya ang tungkol sa fashion week at ang napuranada kong bakasyon.

"I'll be there in five days," sagot ko na lang. Ayoko nang makipagtalo pa kay Rose.

"Five days? Are you kidding me? Next week na ang Paris Fashion Week! My god naman Karina! Dapat bukas nandito ka na!"

Hinikit ko nang malakas ang buhok ko, pinipigilan kong mainis ke-aga-aga sa umaga.

Nahagip ng paningin ko ang digital clock sa lamptable, alas sais na pala ng gabi. Jeez. Akala ko umaga.

"When I said five days, Rose. Expect me in five days. No more argue, no more talking. Huwag mong pasamain ang mood ko dahil sa buwisit na fashion week na yan. Let me have a fucking good sleep and rest so I wouldn't wring your neck when I see you. Get it?!" nagtatagis ang ngipin na singasing ko sa kabilang linya.

"Easy, Karina. I'm just doing my job."

"And I just want to sleep for pete's sake!"

"Alright! Alright! Hands down na ako. Kita na lang tayo next week. Bye Karina!"

Hindi na ako sumagot, gigil na pinatay ko na lang ang cellphone ko bago ako muling humiga.

Gusto ko talagang bumawi ng tulog. Well, hindi naman sa puyat ako o ano. Dahil hindi naman ako napuyat sa kasal ni Priel kahapon. Although gabi na din kami umuwi. Sumakit naman ang paa ko kakatakbo palayo sa alaga ni Aunt Vanessa na si Danny.

Pinigilan kong sumimangot nang maalala ang unggoy orangutan, I mean. Isinubsob ko na lang ang ulo ko sa unan.

Priel's wedding was very simple yet very warm and private. Engrande ang pangarap kong wedding sa totoo lang. Bata pa lang ako, all I dreamt was to have a lavish wedding that would echo in every corner of the earth. Yung makikita at malalaman ng lahat ng tao na bongga at mala-royal ang kasal ko. Yun ang gusto ko.

Kaso nung makita ko yung wedding ni Priel at Jessica, I thought yeah, simple wedding are pretty nice too. At pakiramdam ko mas naging malapit pa ako sa mga kamag-anak ko dahil sa minimal na reception ng kasal.

The reception of the wedding ended at night with fabulous fireworks of different colors and formations. Yun ang regalo ni Kuya Castor sa kapatid at sa asawa nito. Fireworks display na supposedly ay para sa pagsalubong sa magiging baby ni Priel at Jessica.

The fireworks display were awesome, though hindi ko yun na-enjoy dahil tago ako nang tago kung saan-saan maiwasan lang si Danny. Kasalanan kasi ng bakulaw na hudyong Cassian na yun.

Sands of Serendipity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon