KARINA'S POV
Naalimpungatan ako sa pagkakatulog. I felt like there's something bright flashed before my eyes. Kunot ang noo na pinilit kong imulat ang mata. Namamanhid ang puwet ko, my god!
"Cassian, yung ilaw. Did you turn it on?" tanong ko.
Inaninag ko ang lalaki sa kabila ng nakakasilaw na liwanag. Nang maka-adjust ang paningin ko ay nakita ko ang lalaki na nakatayo na tila may hinahalungkat sa bag niya.
"Did I wake you up?" tanong nang lalaking hindi lumilingon.
"Ah no. I'm still sleeping, you see. I'm just sleep-talking!" angil ko.
Itinuwid ko ang likod ko. Parang may mainit na baga sa may balakang ko. This is why I hated traveling in long hours. Nakakangalay na, nakakainip pa. Not to mention, nakakapikon yung katabi mo.
"Sorry. Matulog ka na lang ulit. May hinanap lang ako sa bag ko," narinig kong sagot ni Cassian.
"Anong oras na?" tanong ko.
"I'm not sure. Gabi na tayo darating sa Madrid. In three or four hours siguro."
Layo pa. Humikab ako. Kita kong sarado pa rin ang kurtina na tumatabing sa pwesto namin. Base sa tahimik na paligid, mukhang tulog pa rin ang mga pasareho sa business class.
Bumaling ako paharap kay Cassian. Sumasakit ang likod ko dahil sa ngalay.
"May masakit sa'yo?" tanong ng lalaki.
"Yung balakang ko, namamanhid." sagot ko sabay ngiwi.
"I can massage it for you."
Automatic na napasimangot ako. Tinitigan ko nang masama si Cassian na nakuha pang ngumisi.
"Bastos!"
"Anong bastos dun? Naga-alok ako ng tulong. Ang dumi ng utak mo, Merida!" tumatawang sabi ni Cassian.
"You can massage your own ass, thank you so much!"
Humagalpak lang ng tawa si Cassian. Badtrip.
"Para kang matandang dalaga. Lagi ka na lang galit. Haha!"
"Sa mga taong tulad mo lang!"
Sumaltak-saltak ang lalaki bago kinuha ang isang magazine sa harap niya. Magbabasa siya kaya natural bukas yung ilaw.
"Can you just sleep? Kita mong tutulog ako tapos magbabasa ka! How am I supposed to sleep with the light brimming on my face?!"
Lumingon si Cassian sa 'kin. "Hija, kaya nga naimbento ang eyemask diba?"
Kinuha ni Cassian ang kapirasong tela sa may gilid namin at binato yun sa 'kin. Nakanguso akong sinalo yun. It was a black eyemask.
"Brain, Ineng. Hindi iyan palaman sa bungo mo," nang-aasar pa niyang sabi.
Sarap sakalin ng lalaking 'to. Alam ko naman yun no? Sobrang pagod at antok lang ako kaya hindi ko na naisip yun! Pwede naman yun diba?
Psh!
Muli akong pumihit palayo sa lalaki. Sa may bintana ako bumaling tapos isinaklob ko yung eyemask sa mata ko at tsaka muling hinabol ang tulog.
I feel a little bit comfortable after finding a good position. Hindi pa nagtagal at muli kong naramdaman ang antok.
Pakiramdam ko ay nakatulog ako ulit, I just felt warm and everything is okay until.
BINABASA MO ANG
Sands of Serendipity
RomanceKarina Trevino, a bratty supermodel, and Cassian Ahren Aquinas, a heartbroken man, find their paths crossing at a wedding. Their unusual tension is fueled by Cassian's indifference towards Karina's charm. Fate takes an unexpected turn when they end...