Chapter 13

34 7 12
                                        

CASSIAN'S  POV

Naging mababaw lang ang pagtulog ko. Maya't maya ako nagigising. Bawat kaluskos ay nagmumulat ako ng mata. Kapag gumagalaw si Karina ay hindi ko mapigilan ang bumangon at silipin siya.

Hindi ko naman masabing mababaw din ang tulog ng babae. Pero malikot siyang matulog. May mga pagkakataong humahampas sa mukha ko ang kamay niya. Mind you, nasa sahig na ako nun ah pero naaabot niya pa rin ako. Siguro malaki talaga ang galit niya sa akin.

Nang magbubukang-liwayway na ay bumangon na ako. Tinitigan ko pa ang babae na nakanganga pa sa pagkatulog.

Tsk. Poor Karina. She must have been very tired. All these experiences are new to her and certainly not her cup of tea.

Kinuha ko ang kumot ng babae na nahulog na sa sahig at kinumutan ito tapos ay lumabas na rin ako ng kuwarto.

Madilim pa rin sa labas ng bahay, although nakikita ko na malapit nang sumikat ang araw. I peeked at my watch, it said 6:45 in the morning. Mga bandang alas-syete siguro sisikat ang araw.

(Fact: In Western Sahara, the sun rise at approx. 7 am and set at approx 8 pm.)

Hinanap ko ang bag ko, nandun pa rin iyon sa silya. Pero kumunot ang noo ko nang mapansing wala doon ang bag ni Karina.

Did she put it in her room?

Bumalik ako sa kuwarto at chineck kung nandun ang bag pero wala doon iyon. Where was it?

Muli akong lumabas. This time, dumaan ako sa backdoor at hinanap ang matandang lalaki na may-ari ng bahay. I'm not sure if he's on the second or on the third house but I noticed the door at the second house widely opened so I decided to go there.

Hindi ko alam pero biglang naging balisa ang pakiramdam ko. Kumabog din nang mabilis ang dibdib ko. Gusto kong tawagin ang pangalan ni Norudin pero nanatiling tikom ang bibig ko.

Pagpasok ko ng bahay ay bumungad sa akin ang magulong sala. Parang tambakan na iyon ng mga sirang gamit. Nasaan na ang matanda? Dahan dahan ang ginawa kong paghakbang hanggang mahagip ng paningin ko ang ilang gamit na nakapatong sa isang mesa.

Ang mga documents ni Karina!

Nanlaki ang mata ko. Nakita ko sa sahig ang bag ng babae. Pati ang mga make-up niya ay nagkalat doon. The thing was nakaladlad ang mga dokumento ng babae gaya ng passports, IDs, travel documents pati ang boarding pass ng babae sa airplane.

What the F!

Bakit nakalabas ang mga ito? Kinuha ba ni Norudin? Did he actually stole it on purpose
to—

Biglang bumukas ang backdoor ng bahay at mula doon ay pumasok ang matanda. Natigilan siya nang makita ako. At bumakas din ang di maipaliwanag na takot sa mukha niya nung makita ang mga gamit ni Karina sa mesa.

Kumulo ang dugo ko.

"WHO ARE YOU?!" sigaw ko.

Dinampot ko ang isang kahoy na nakakalat at sinugod ang matanda na nahintakutan at hindi nakagalaw.

"No! No!" iling ng matanda na napaupo sa sahig. Nagtakip siya ng ulo sa takot na tamaan siya ng hawak kong kahoy. Pero pinigil ko ang sarili ko. Imbes ay hinawakan ko siya sa damit niya at pilit na itinayo.

"What is the meaning of this, Norudin? Why did you took my wife's bag?! And why is her documents there on—"

"I'm sorry! Norudin is sorry!" sigaw ng matanda.

Nanginginig ang katawan niya maging ang boses niya.

"ma hi naytak? (What is your intention?)" tanong ko.

Sands of Serendipity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon