Chapter 3

38 7 10
                                    

JESSICA'S  POV

The reception of the wedding is spectacular. Buong puso akong nagpupugay kina Fujima, Rau at Rave dahil sa ginawa nila para sa kasal namin ni Priel. It was the simplest yet the most unique wedding I've been into.

Habang kumakain ay tumitingin-tingin ako sa paligid. Nakita ko si Karina sa isang table sa may bandang kaliwa. Kasama niya ang ilang mga Trevino at mukhang kumakain din siya.

Good. Akala ko as a model she'll just ignore food and go for that deadly diet to maintain figure. Seems like hindi naman ganun ang babae.

Sa isang gilid ay napansin ko si Jessie at si wait, is this real? Si Sian ang kausap ni Jessie?

Holy trinity! Salamat at hindi nag-ala torpedo ang kaibigan kong baliw na yun. Ano, gagawa na kaya siya ng move kay Jessie finally? Mabuti naman kung ganun! Aba! Magiging forever single siya pag nagkataon. Kung ka-level pa ni Karina ang hahanapin niya aba'y tatandang binata talaga siya. Medyo magkalevel naman si Jessie at Karina,  angat lang ng konti si Karina dahil mas matangkad siya. Fine, mas maganda din.

At tsaka long-time crush ni Sian si Jessie. Mula noong bata pa kami sa pagkakatanda ko. Sian was a transferee to our elementary school and he was one of those few boys who kept on ogling at my twin sister. Bagaman ako ang naglakas-loob na kausaping una si Sian kaya ako ang naging bestfriend niya.

Very vocal si Sian sa pag-amin na crush niya si Jessie. Pero lagi siyang nakasimangot kapag sinasabi yun na para bang gusto niya akong batukan. Mind you, binabatukan niya talaga ako madalas.

Hindi bayolenteng tao si Sian pero dahil kakadikit niya ata sa 'kin kaya madalas siyang nakikipagbasag-ulo nung highschool kami. Nahawa ko daw siya. Haha. Kaya turn off ang mga girls sa kanya eh kahit na may ibubuga naman ang itsura niya.

Sian was the tallest on our class. Kung hindi siya naging photographer, malamang naging model din siya. He got this natural wavy dark brown hair na minana niya sa ninuno niyang espanyol. His face got the touch of Asian fusion with early European people. Meaning, unique ang hitsura niya. Niloloko nga namin siya na mukha siyang konde noong unang panahon. Masyadong classic ang features niya. He could pass off as the knight Lancelot or Count Dracula.

Kung sa family background naman. Bukod sa boring niyang apelyido na Aquinas na angkan na nagmula sa South, eh wala na akong alam tungkol sa kanya. Well, sabi kasi ni Sian masalimuot daw ang buhay nila kaya ang hirap ikuwento. Negative energy lang daw ang dala.

Pero ayon sa tsismis ni Aling Carlita, yung kapitbahay namin sa Parañaque na ubod ng daldal, si Sian daw kasama ng mommy niya si Ma'am Mikaela ay umalis sa Davao at pumunta sa Manila para takasan ang humahabol sa mag-ina dahil ayon daw sa bali-balita, kabit daw si Ma'am Mikaela ng isang kilalang politiko doon at naging anak nila si Sian kaya nagtago ang mag-ina sa Manila.

Hindi naman ako naniwala doon dahil sa sampung istorya ni Aling Carlita eh labing tatlo ang mintis at purong kabulaanan. Wala rin namang sinabi si Sian kaya di na ako nagtanong. Ang totoo lang sa mga iyon ay taga-Davao sina Sian, sabi niya.

Mabait si Ma'am Mikaela at ubod pa ng ganda kaya di ako nakombinsi na kabit lang siya. I mean, hello any guy who would look at her will definitely beg on their knees to marry her. Hindi siya tipo ng babae na ginagawang kabit. Lagi siyang bisita ni Mommy noon sa bahay dahil nagse-share sila ng recipe sa mga ulam.

Sa kasamaang-palad, maagang nawala sa mundo si Ma'am Mikaela. May tumor siya sa ulo nun, at hindi na ito nailigtas pa ng kahit anong operasyon.

Gaya namin ni Jessie, maagang naulila si Sian. He strived though. Hindi mo makikitaan ng panghihina ng loob ang kaibigan ko. Lumaban siya kahit mag-isa siya. Nagworking student. Nag-raket kung saan saan makatapos lang. He's a very hardworking guy at lahat ng naipundar niya galing yun sa dugo at pawis niya. At sa pagiging kuripot na rin siguro.

Sands of Serendipity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon