"Yes, I'm sure." Sagot niya makalipas ang ilang segundo. Hindi ko alam pero biglang nag-iwas ng tingin si Karina. "Nagpakilala siya. Isa pa, natural na nandun siya sa Mansion ni Uncle Emenrad. Buntis siya, diba? At kailangan niya ng kasama so it's a given that the in-laws are looking after her."
Tumango-tango ako pero hindi ako nagsalita. Of course, mas okay na nandun si Jessica sa inlaws niya. Lalo pa at busy sa trabaho ang asawa niya.
"Nasabi ko sa kanya na kasama kita at nandito tayo sa Laayoune bago pa man naputol ang linya. I'm hoping with that piece of information she'll be able to help us. I really wanna go home," malungkot na sabi ni Karina.
Gusto ko mang magsalita at aluin siya ay hindi ko nagawa. Nasa parehas kaming sitwasyon. She was as helpless as I am. Napabuga na lang ako ng hangin.
Mahabang oras ang nilakad namin bago kami nakabalik sa Old Town. Pinilit kong tukuyin kung saang bahagi na nga ang hotel na tinutuluyan namin pero nalilito pa rin ako.
Nang makita ko ang pamilyar na one lane patungo sa Old Town Market ay bumaling ako kay Karina. "Gusto mong pumunta sa Market? Kailangan ko ring makausap si Max. O kung gusto mo ihahatid muna kita sa hotel."
Umiling si Karina. "Sasama ako. Titingin ako ng mga paninda."
"Bakit? May pambili ka ba?" tudyo ko.
"Wala! Bakit? Sinabi ko bang bibili ako? Sabi ko titingin ako! Psh!" Umikot nang may 360 degrees ang mata ng babae at pinigilan kong tumawa dahil dun.
"Aba! Marunong ka na ah." ngisi ko.
Muntik na akong sapakin ni Karina kaya hinawakan ko nang mabilis ang dalawang kamay niya at hinila siya patungo sa Market.
Old Town Market is an old business district. Halos mga spanish merchant ang makikita mo. 20% lang ang muslims. Iba't ibang trading business ang nakatatag. Bagaman at madalang ang mga kustomer, maituturing nang masiglang kalakaran ang nangyayari sa Old Town Market. Higit sa mga goods, impormasyon ang isa sa mga ibinebenta doon.
Kalakaran ng impormasyon.
Marami na ring tao na nagkalat sa buong distrito. Karamihan ay mga merchant na nag-uusap tungkol sa kalakal. Ang ilang muslim na customer ay hindi gaanong nakikipag-usap lalo na kung espanyol ang nagtitinda.
Naglakad lang kami ni Karina hanggang marating namin ang isang maliit na garahe kung saan may hubad na lalaking nag-aayos ng motorsiklo.
"Maximilien?" tawag ko.
Agad na nag-angat ng tingin ang lalaking nagkakalikot ng gulong ng motorsiklo. Nang makita niya ako at agad din siyang ngumiti.
"Ola Cassian! Como estas eh?"
Tumayo si Max at lumapit sa amin. Pero natigilan siya nang makitang may kasama ako. Hindi ko alam pero biglang kumati ang mata ko nang makitang biglang ngumiti ng matamis si Maximilien nang matitigan si Karina.
"Hermosa..."
Parang kumati na rin ang kamao ko.
Bad choice na isama si Karina sa lugar na 'to.
KARINA'S POV
"Hermosa..." Narinig kong sabi ng lalaking tinawag ni Cassian na Maximilien. Sa totoo lang hindi ako interesado, kaya nagulat ako nung paglingon ko ay makitang nakatitig sa akin ang lalaki.
Er.
"H-Hello..." bati ko lang.
"Hi! Call me Max," nakangiti pa ring sabi ng lalaki.
BINABASA MO ANG
Sands of Serendipity
RomanceKarina Trevino, a bratty supermodel, and Cassian Ahren Aquinas, a heartbroken man, find their paths crossing at a wedding. Their unusual tension is fueled by Cassian's indifference towards Karina's charm. Fate takes an unexpected turn when they end...