KARINA'S POV
"Wala. Wala. Wala akong alalay, Priel. Kaya nga ako nagpapahatid sayo sa airport diba?! Por favor naman. Hindi ko kayang pasanin lahat ng bagahe ko sa airport!" sigaw ko sa kabilang linya.
"You know I can't. Honeymoon period, pinsan." sagot ni Priel sa kabilang linya.
Natampal ko ang noo ko bigla. Oo nga pala. Nakalimutan kong kakakasal nga lang pala tong lalaking 'to.
"Honeymoon period eh four months nang buntis yung asawa mo!" buska ko. Tumawa si Priel.
"Nasa Sephiro ka diba?" anang lalaki.
"Yeah," sagot ko.
"Ipapahatid na lang kita sa mga tauhan dyan para hindi ka mahirapan. I think this is your first time traveling on your own. Just how come?"
Oo nga. Bakit nga ba? First time na wala akong assistant. Ah. Kasi humingi ako ng solo-vacation. Yung solo-vacation na hindi natuloy. Tsh.
"Don't ask. Nababanas lang ako," sagot ko.
Sumaltak si Priel dahil dun. Nagpaalam din agad siya matapos ipangakong magpapadala ng tauhan sa unit ko.
It's early in the morning and I'm feeling pissed off for no reason at all. I dunno, gumising yata akong wala na sa mood. Kasalanan ito nung panaginip ko nang nakaraang gabi.
You see it was a very good dream. Nasa Palawan daw ako at nagrerelax sa ilalim ng araw, sa tabi ng asul na dagat at puting buhangin. Naka-bathing suit at nilalasap ang sariwang hangin. Tapos biglang may dumating daw na maraming orangutan. At ang nakakahindik, yung orangutan may hawak na mga baril. As in baril, bitch. Tapos naglaho ang dagat at naging disyerto. Sa takot ko nagtatakbo ako pero hinabol ako ng mga orangutan. May narinig akong umiiyak na bata kaya lumingon daw ako. Pero bigla, nakita ko si Cassia— yes, si Cassian fucking Aquinas nasa panaginip ko. Hinihigop siya ng buhangin at nagsisisigaw siya sa salitang di ko magets. I guess, minumura niya ako.
Naguilty ako kaya bumalik ako para hilahin si Cassian sa buhangin pero dumating ang orangutan at tinutukan ako ng baril.
Sa punto na yun, nagising ako.
I know, that was like the weirdest dream. And scary. Nakakatakot na nga yung orangutan, tapos dadagdagan pa ng baril. At ang nakakaloka, nandun din si Cassian! Unbelievable! Kailangan ko na yatang magpa-psychiatry dahil sa nangyari.
Apektado ako masyado dahil sa Cassian na yun at kay Danny.
Speaking of Cassian, kamusta na kaya siya? Iniwan ko siya sa hotel nung nakaraan. Tulog na tulog siya.
Tsh! Eh bakit ko ba siya iniisip? Puro masamang alaala lang ang nakukuha ko sa lalaking yun eh. Ano? Tumatak na ba siya sa subconcious ko? Yikes!
Tumingin ako sa wristwatch ko. Quarter to seven na. Eight ang flight ko. Great.
Dumating din agad yung mga tauhan na pinadala ni Priel. Sila ang naglabit ng sandamakmak na luggage na dala ko. Hinatid din nila ako sa NAIA Terminal 3.
Nagulat ako dahil pagdating ko sa airport, maraming media ang nag-aabang sa entrance.
"Miss Trevino! Miss Trevino! Pwede ka ba naming ma-interview sandali?"
"What?!"
Ambush interview? What the actual fuck?!
Ayokong magpa-interview!
Pero automatic na ngumiti ako. Madaming camera ang nakatutok sa 'kin. Alangan namang sumimangot ako. Hello?
Pumalibot ang mga airport guards dahil dumagsa din ang mga taong nagu-usyuso.
BINABASA MO ANG
Sands of Serendipity
RomanceKarina Trevino, a bratty supermodel, and Cassian Ahren Aquinas, a heartbroken man, find their paths crossing at a wedding. Their unusual tension is fueled by Cassian's indifference towards Karina's charm. Fate takes an unexpected turn when they end...