Chapter 18

48 5 2
                                    

KARINA'S  POV

Akala ko talaga nagha-hallucinate lang ako. Na nakita ko talaga yung batang nakilala namin sa Hong Kong. Pero nung makompirma ni Cassian ang nakita ko ay nabaghan ako. Nandun nga talaga yung bata!

Nang magtatakbo ang bata patungo sa isang eskinita ay nataranta ako. Ayokong mawala sa paningin ko ang bata. We can't let her go like that!

Sa pagkataranta ay bumitaw ako kay Cassian at tumakbo para tumawid ng kalsada. Ni hindi ko na inaalala ang mga sasakyan na humaharurot. Ang nasa isip ko lang ay mahabol ang bata. She looked like she was crying, I just felt too worried I didn't even think of myself.

"KARINA!" sigaw ni Cassian.

A loud horn coming from a truck. I stop dead on my track and stared at the coming disaster. My heart skipped beating.

Suddenly a hand yanked me out of the way. Bago pa ako nakahuma, napasubsob na ako sa kung anong matigas. Habol ko ang hininga kong tumingala sa may-ari ng kamay. It was Cassian.

"What the fuck is wrong with you?!" he nagged. Kunot na kunot ang noo niya. Nasa tabi kami ng kalsada at nakatigil na rin ang truck.

Para akong mabibingi dahil sumisigaw si Cassian tapos sumisigaw din yun driver sa wikang hindi ko maintindihan.

"I-I'm sorry." parang pusang sabi ko. Naalala ko bigla yung batang tumakbo kanina kaya napatayo ako mula sa pagkakasubsob kay Cassian at muling tumingin sa kabilang kalsada. Wala na doon ang bata.

"Cassian the kid!" sabi ko.

Mukhang gigil pa rin si Cassian habang nagpapagpag ng pantalon niya. "Let her be! Siguradong may kasama siya!" Lumapit siya sa driver ng truck at kinausap ito. Siguro humingi ng sorry. Tinapunan lang ako ng masamang tingin nung driver bago niya muling pinaandar ang truck.

"Geez! What a troublesome woman you are!" angal ni Cassian nung bumalik sa akin.

Nanghihina ang tuhod ko kaya muli akong kumapit sa braso ng lalaki. Isinantabi ko na lahat ng hiya at pride ko. Tutal nakita na naman niya ang katawan ko so why bother?

"Let's go," aya ng lalaki.

"Paano yung bata?" sabi ko.

"Look, we don't care okay? Nakapunta yung bata dito sa Laayoune. That means, may kasama siya. Kasi hindi naman siya makakabyahe mag-isa!" sagot ni Cassian.

Lumiko kami sa isang major business district. Medyo marami kasi ang tao at mas marami rin ang nakatayo na establisyemento. May natanaw pa akong parke sa di kalayuan.

Well, may punto si Cassian. Pero hindi lang ako mapalagay. Yung expression kasi nung bata. Parang kailangan niya ng tulong. Parang naliligaw siya na ewan.

May nakita akong sign sa gilid ng kalsada at tinuro ko yun kay Cassian. "Look! Malapit na pala ang airport dito!" sabi ko. Hindi sumagot si Cassian bagkus ay tumingin tingin lang siya sa paligid.

Matapos ang ilang minutong paglalakad ay hinila ako ni Cassian papasok sa isang maliit na eskinita. Medyo madalang na ang tao doon. May mga nakatambay lang na ilang kalalakihan. Sa gulat ko pa nga ay lumapit si Cassian sa mga yun at nagtanong.

"Excuse me, is this where a person called Buja lived? Buja?"

Nagtinginan lang ang mga lalaki. Ang isa pa'y lumingon sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Agad akong hinila ni Cassian at itinago sa likod niya.

"Buja? Who's Buja?" sabi ng isa.

"Buja, the one that Maximilien saved at Aldura!" sagot ni Cassian.

Sands of Serendipity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon