KARINA'S POV
I was really wondering as to why those two girls ran off just because I said hello. Hindi naman kagulat-gulat ang maging polite diba? Bakit ganun ang reaksyon nila?
"Hey! Wait!" sigaw ko sa dalawa.
Ayaw ko sanang iwan ang motorsiklo dahil binilin ni Cassian na huwag akong aalis sa pwesto ko. Pero pasensya na, kailangan ko ring may gawin. Ayokong maghintay na lang.
Tumakbo ako at hinabol ang dalawang babae.
"Hey wait up!" sigaw ko habang tumatakbo at kumakaway.
Nakita kong lumingon ang dalawang babae. Hinikit nung isa yung kasama niya at lumiko sila sa isang maliit na eskinita.
"W-wait!"
Mas binilisan ko ang takbo habang pasimpleng tinitingnan ang dinadaanan kong mga gusali.
Just as what I saw earlier, everything on this town looked very old. Puro two-storey building ang nakatayo pero sarado ang mga pinto at bintana. The pavement made of bricks are quiet old also and some of them have missing chunks. Kung hindi mag-iingat pagtakbo o paglalakad eh madadapa ka dahil dun. At dahil hindi ako maingat, muntik nang humalik ang nguso ko sa lupa. Mabuti at naagapan ko ang pagtuon ng palad ko bago ako tuluyang bumagsak.
I could feel pain from my wrist, but I get on my feet as fast as I can.
Stupid Karina! Nakita ko na nga yung bitak sa lupa doon pa ako humakbang.
Muli akong tumingin sa unahan ko para hanapin ang dalawang babae na hinahanap ko. Surprisingly, nandoon pa rin sila sa bukana nung eskenita at parehas silang nakatingin sa akin. Siguro nakita nilang nadapa ako kaya natigilan sila.
"H-Hey!" sigaw ko.
The two woman didn't run just as I expected. They just kept on staring at me. Mabuti naman at hindi na sila nagpahabol.
Masakit ang kamay ko. Lalo na yung bandang pulsuhan. Parang may litid na naipit. Pero binalewala ko na lang. Lumapit ako sa dalawang babae. Naglakad ako dahil hindi ko kayang tumakbo. Hello, masakit pa ang balakang ko.
"Excuse me," bati ko.
Ramdam ko na skeptical ang dalawang babae. Tipong hindi mapakali. Maya't maya ang tingin nila sa paligid na para bang may susulpot na halimaw. Halata rin na hindi sila komportable sa presensya ko.
"Eerr," ang awkward lang.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Medyo na ilang ako sa paraan ng pagtitig ng dalawang babae sa akin.
"You are not from here!" biglang turo ng isang babae sa akin. Nagulat tuloy ako. Heavy ang accent ng english niya. Madiin ang bawat syllables. Katulad ng pagsasalita ni Norudin. She must be an immigrant from other country.
Tumango ako. "Yes," sagot ko. "And I am lost. I don't know if you could help me find the way to the nearest city with airport. I want to go home. But you two are running away from me and there's nobody in here I had no choice but to run after you," paliwanag ko.
Nagtinginan ang dalawang babae. Parang nag-uusap ang mata nila. Nagsalita ang isa pang babae pero hindi ko na siya naintindihan dahil ibang lenggwahe iyon. Tumango ang kasama niya na bumaling sa akin.
"Are you from that airplane?" bulong na tanong ng babae. Nanlalaki ang mata niya at mahinang-mahina lang talaga ang boses niya. Tipong natatakot na may makarinig.
Pinigilan kong magulat sa tanong niya pero tumango ako. "Yes. Why?" sagot ko.
Sabay na napasinghap ang dalawa. At bigla, nag-usap sila sa banyagang wika. They're talking in rapid Arabic I guessed. Palingon-lingon sila sa akin habang kumukumpas-kumpas sa hangin. Parang nagtatalo. Pinagkasya ko na lang ang sarili ko sa pagtingin sa dalawa.

BINABASA MO ANG
Sands of Serendipity
Любовные романыKarina Trevino, a bratty supermodel, and Cassian Ahren Aquinas, a heartbroken man, find their paths crossing at a wedding. Their unusual tension is fueled by Cassian's indifference towards Karina's charm. Fate takes an unexpected turn when they end...