Chapter 5

248 34 33
                                        

Chapter 5


BAD's POV


"Hey, Angel, bakit parang hindi yata kayo nagkikibuan ni Geoffrey?"

Napalingon ako sa gawi ni Oliver ng tanungin iyon ni Rovie. Ibinalik ko ang tingin sa kanya, "Bakit? Kailan ba kami nagkibuan?"

"Ahm? Iyong pagaaway niyo, hindi pa ba kayo nagkikibuan n'on?"

"Ano ba kasi nangyari?" panguusisa pa ni Kayla.

"Oo nga, mukang meron, eh." Pangungulit parin nilang dalawa.

Umirap ako. "Just stop, ok? Walang nangyari, kaya manahimik na kayo."

Umirap din sila sa akin at nagsibalikan na sila sa pwesto nila. I was doodling on my paper hanggang mag bell na. Thank God! Natapos na din.

"Alright, you may now pass your paper."

I put my paper on my seatmates' table at tinitigan ko siya, alam niya na naman ang gagawin niya. Ipapasa niya iyan at wala na akong reklamong maririnig. Tumayo na ako, at kinuha ang bag ko ng bigla akong tawagin ni Flores. Napahinto ako at humarap sa kanya.

"Miss Delgado? You drew on your paper again, I won't tolerate it next time." Pagsasayang niya ng laway.

Nagcross arms ako. "Why? Is there a rule in this university to don't do that? All you need to do is to check my answers, not the other things I made because of boredom."

"What did you say? You—"

Pinanlakihan ko siya ng mata, "What?" putol ko sa kanya.

Natahimik siya. Oh ano, natameme siya? Ano pa ba ang hahanapin niya? Ginawa ko na nga ang gusto niya. For sure tama naman ang lahat ng sagot ko sa binigay niyang useless na seatwork, kahit sino kayang sagutan ang mga binagay niyang solving problems.

I was not in the mood to do anything right now, buti nga at nagsagot pa ako. Hindi na nakapagsalita ang professor kuno ko at nagmadali ng lumabas, napairap ako. Ang drama. Ano bang mali sa ginawa ko? Masama bang magtanong sa kanila? Kasama naman iyon sa trabaho nila, diba?

"You're too harsh, Angel."

"You're so BAD."

Napairap ako sa sinabi ng dalawa. "I know and I don't care. Let's eat. Oliver, c'mon, let's—where is he?" nagulat ako ng pagtingin ko sa upuan ni Oliver ay wala na siya. Where did he go? He wasn't supposed to leave me here!

"Lumabas na din kaagad pag labas ni Sir, eh."

"Sinabi kung saan pupunta?"

Iling lang ang tanging naisagot nila, nasaan ba kasi nagpunta iyon, wala pa naman cellphone iyong lalaking iyon.

"Bakit mo ba siya hinahanap? Akala ko ba hindi kayo nagkikibuan?"

"I need to talk to him and say sorry—"

"Huli ka!"

Nakagat ko ang labi ko, ang talino din talaga nitong dalawang 'to.

Do Opposites Attract?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon