Chapter 20
BAD's POV
"Talagang tatanggalin na ang cast ko, Ma?"
Nakangiting bungad ko kay Mommy nang pumasok siya sa kwarto ko. Nandito na kami ngayon sa bahay. Sana talaga tanggalin na. Nandito nga kasi kami sa bahay pero parang kagaya rin sa hospital nakakulong lang din ako sa kwarto ko. Hindi din ako makalabas.
"Yes. Para lang sa party mo bukas." bumusangot ang muka ko. Isang araw lang pala. Tas ibabalik uli.
Sila Mommy at Daddy. Tinotoo nga talaga ang promise nila sa akin. Hindi na sila umaalis for work. Minsan naririnig ko silang may kausap from work pero kaagad nilang binaba dahil nandito daw sila at inaalagaan ako. Minsan nakakaguilty din, kasi parang ako may kasalanan kung bakit kailangan nilang mag stay dito.
×Ads by MyBrowser 1.0.2V10.10
"Anak, wag ka ng malungkot. Sabi ng doctor. Three weeks lang din naman na lang ang itatagal niya at totally na tatanggalin na. Ikaw kasi pasaway ka."
Ngumuso ako. "Sorry Mommy."
"Hay naku, ang baby ko--ay hindi na pala baby. Dalaga na. May boyfriend na nga, eh."
Napairap ako. Pinaalala na naman sa akin ni Mommy ang lecheng lalaki na iyon. Simula ng magkaayos kami nila Mommy, hindi ko na siya nakita pa uli. Pagkatapos kong sabihing mahal ko siya. Ganun nalang? Iiwan nalang ako? Talagang sinunod ang sinabi kong huwag na siyang magpakita sa akin?
"He will be your escort bukas. Hindi ka ba natutuwa at kinikilig?"
"Hindi ako natutuwa at mas lalong hindi po ako kinikilig, Mommy. Ayaw ko siya maging escort. Bahala siya." inis na sabi ko.
"Aba. Dapat nga thankful ka dahil may bukod sa Daddy mo, may mabait pang lalaki kagaya ni Oliver."
"Mommy naman."
Tumayo na si Mommy at tinulungan na akong mag-ayos. Pupunta na din daw kami ngayon sa Hospital para ipatanggal ang cast ko. Pambihira. Isang araw lang naman magiging malaya ang paa ko. Pero ang gara nga naman kung nakacast ako habang may party ako. Tapos escort ko pa si Oliver--hindi. Hindi nga pala siya invited. Bahala siya sa buhay niya. Pag hindi pa talaga siya nagpakita sa akin bukas. Makikita niya.
×Ads by MyBrowser 1.0.2V10.10
******
"Goodbye, Angel." narinig ko ang boses ni Oliver. Tsaka ko naramdaman na may malambot na dumampi sa noo ko.
Kaagad akong nagdilat ng mata. Napaupo ako at inilibot ko ang tingin ko sa paligid ng kwarto ko. Wala naman si Oliver. So it was just a dream, pero bakit parang totoo. Napahawak ako sa noo ko. Nararamdaman ko pa nga ang labi niya dito.
Tinignan ko ang paa ko. Wala ng cast! And its my birthday today! Magpakita ka na sa akin ngayon O'dozon! Humanda ka talaga sa akin. Tatayo na sana ako ng may makita akong pink and violet box sa table sa tabi ng kama ko. Nagtatakang inabot ko iyon.
"Kanino kaya 'to galing?"
Napakunot ang noo ko ng mabuksan ko ang box at makita ang laman niyon.
"A mug? A black mug? Ang cheap! Sino kaya nagbigay neto?" tinignan ko maigi iyong mug. Kahit isang dumi o ano wala kang makikita. Pure black, at simpleng mug lang talaga siya.
Binaba ko iyong mug ng may makita akong papel na nakatupi sa pinaglagyan ng mug kanina. Binuksan ko iyon at tsaka ko nakilala ang sulat ng cheap na nagbigay sa akin ng mug na 'to. Si Oilver.
BINABASA MO ANG
Do Opposites Attract?
Short StoryShe's bad, he's good; she's impatient, he's calm; she's bossy, he's easy-going; she's always wrong, he's always right... Bobbie Angel Delgado, the Bad Girl. Geoffrey Oliver O'Dozon, the Good Guy. Lahat ng tao ay hindi parepareho, magkakaiba. Para...