Chapter 13

120 12 13
                                    

Chapter 13

BAD's POV


"Angel, tara labas tayo." napatigil ako sa pagbabasa ng biglang magsalita si Rovie.

"Labas? Saan tayo pupunta?" takang tanong ko.


Ano na naman kaya naisipan ng mga 'to at biglang nagyaya? Busy na din kasi ako para sa upcoming foundation week ng school. I want it done smoothly, ayaw kong may maging problema, kaya tinututukan ko din talaga.


"Labas. Sa mall. Gala." simpleng sagot ni Kayla.

"We can go shopping. Puro iyong tungkol sa foundation week ka nalang, unwind a little." alok ni Rovie.

Umiling ako. "Kailangan kong tutukan 'tong event. Last na natin 'to. Tsaka kakabili lang nating kahapon diba?" sabi ko pa at nagpatuloy sa pagbabasa.


Narinig kong parang may sinampal sila. Pagtingin ko sa kanila. Nagpaluan pala sila ng noo.


"Ikaw kasi dapat di ka nagyaya kahapon!"

"Anong ako?!"


Napakunot ang noo ko dahil sa bulungan nila na rinig ko naman.


"Ako, may tickets ako. Nuod tayo movie?" napatingin kami lahat kay Eli. Pinakita niya pa sa amin iyong dalawa niyang tickets.

"Sa bahay nalang tayo manuod. Libre na, up to sawa pa. Tsaka apat tayo dalawa lang iyan."

"Eh, ano, kasi bago naman 'tong movie. Wala pa kayo niyan sigurado. Tsaka apat 'tong tickets ko. Nakatago lang sa bag." Nagaalangang dagdag pa ni Eli.


Napailing ako. Hindi ka talaga marunong magsinungaling, Eli.


"Oo nga, Angel. Nakita ko kanina iyong tickets! Tara na."

Tumango ako. "Oh siya, sige. Tara." I don't know what they're up to. Bahala sila. Wala naman sigurong mawawala kung iwan ko muna 'tong trabaho ko kahit sandali lang, diba?

******

Napakunot ang noo ko ng makita ko ang sarili ko sa salamin. "Why do I have to wear this? Sa mall lang naman tayo!" nagtatakang sabi ko.


Paano ba naman pinagsuot nila ako ng dress, hindi naman sa hindi ako nagdidress sa mall, ang akin lang jeans and shirt is already good, no need to wear dress. It's a red tube dress na pintungan ko lang ng black cardigan.


"Maganda naman! Tsaka para namang hindi ka nagsusuot niyan, desente naman tignan, hindi din naman revealing." Sabi ni Kayla habang nilalagyan ng lipgloss ang labi ko.

See? Theyre over-acting, ano meron at kailangan siya pa maglagay ng lipgloss ko? Si Rovie naman, eto at inaayos ang medyo mahaba haba ko ng buhok. Mga nakadress din naman silang tatlo, mas magarbo nga lang ang akin. Kahit si Eli nakasuot siya ng above the knee na dress. Seriously? Saan ba kami pupunta? Sa mall lang din naman, diba?


"Movie ang papanoorin natin, right? Hindi opera, bakit kailangan—"

"Huwag ka ng matanong, let's go!" exctied na sabi nilang tatlo.

Do Opposites Attract?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon