Chapter 11

127 15 11
                                    

Hello! After 25 days sa wakas, nakapagupdate din, haha. 

________

Chapter 11

GOOD's POV


"Hoy, O'dozon! Madaya ka!" natatawang sigaw ni Angel sa akin. Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming naghahabulan. Kesa kasi mapagod ay ginagahan pa ako. Hinahabol kasi niya ako. Ako ang hinahabol ni Angel. Sino ba namang hindi matutuwa diba?

"Hindi ako madaya—" napatigil ako kasi pagharap ko hindi lang tubig galing sa hose ang tumama sa mukha ko, isang balde na! Pambihira 'tong babaeng 'to talaga. Malakas na tawa niya na naman ang narinig ko pagkatapos.

"Ehem~"

"Ayos Oliver! Ang pogi mo pala pag basa ka!" natatawang sabi niya pa.

"Ehem."

Lumapit ako sa kanya. "Kahit hindi ako basa. Pogi ako 'no!" sabi ko sabay pisil sa ilong niya.

"Aray naman!" sigaw niya sa akin sabay tanggal ng kamay ko sa ilong niya. Mukang nasaktan siya kasi namula iyong ilong niya pero nakangiti siya.

"Ako na po. EHEM!"


Natigil kami sa pagtawa at napalingon kami sa pinanggalingan ng sigaw. Nakita namin si Rovie, Kayla, Eli at si Don Rene na parang hindi makapaniwala sa nakikita nila. Napatingin ako kay Angel. Saktong tumingin din siya sa akin. Sabay nagbaba ang tingin naming dalawa, at kaagad kaming bumitaw sa mga kamay namin na magkahawak pa pala.


Napakamot ako sa ulo. "What are you three doing here?" rinig kong tanong ni Angel.

"You! What are you doing?" patanong sagot naman ni Rovie.

"Naglilinis lang ako ng sasakyan. Hindi ba obvious?"


Sabay sabay silang nagilingan, pati si Don Rene ay umiling din. Hindi pa ba halata sa itsura namin na naglinis lang talaga kami ng sasakyan?


"Angel, hija. Eto ang tuwalya, at magpatuyo ka, baka magkasakit kang bata ka. Oliver eto ang tuwalya, oh." Dumating si Manang at inabutan kami ng tig-isang tuwalya ni Angel.

"Sa—"

"Salamat ho, Manang."


Napatigil ako sa pagsalita ng marinig ko ang sinabi ni Angel, lahat kami natahimik at napahinto. Ano uli iyong sinabi niya? Salamat? Talagang nagpasalamat siya kay Manang? Ngayon ko lang siyang narinig magsabi ng totoong salamat.


"What?" takang tanong niya. "Manang, ano pong merienda?"

Napabalikwas si Manang, "Ay, eh. May cake at cookies akong ginawa. Pumasok na kayo sa loob at kumain."


Sabay-sabay na pumasok iyong apat na babae sa loob, habang ang Don Rene naman ay naiwan at nakangiting umiiling habang palapit sa akin.


"Magbihis ka, Oliver, at maguusap tayo."


Nagaalangan akong tumango, ano kaya ang pag-uusapan namin? Tinapik niya lang ako sa balikat at sumunod na rin papasok sa loob.

*******

Do Opposites Attract?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon