Chapter 17

115 8 4
                                    

Chapter 17


GOOD's POV


Napadilat ako bigla at napaupo. I had a bad dream. A dream that I won't ever wish to happen. Umiling ako at tinignan ko kung anong oras na. Pasado ala una na pala. Nakatulog na ako sa kakaantay kay Angel. Hindi ko alam kung nakauwi na ba siya.

Lalo tuloy akong nagaalala dahil sa panaginip ko. I hope Angel is fine. Nahiga ako uli at saktong tumunog naman ang cellphone ko. Kumunot ang noo ko. Bago lang ang phone ko at wala masyadong nakakaalam ng number ko. At sino naman ang tatawag sa akin ng ganito kaalanganing oras?

I get up and reached my phone. Unregistered number ang nakaflash sa screen. Hindi kaya nantitrip 'to?

"Hello?" alanganing sagot ko.

"If you know Angel. Go to the Medical Hospital imidiately." kaagad na tumibok ng mabilis ang puso ko. Sabi na nantitrip lang 'to, eh.

"Kung tatawag ka lang para manloko--"

"I really don't care if you won't believe me. I just want you to know that Angel met an accident, and she's here in the hospital."

Napatulala ako. Iyon na ang huling sinabi niya bago maputol ang linya.

"Angel met an accident."

Paulit-ulit kong naririnig ang sinabi ng tumawag sa akin. Hindi. How was that possible?

"Hello! Sabihin mo sa akin na hindi totoo ang sinasabi mo!" sigaw ako ng sigaw sa phone. Umaasang babalik pa ang kausap ko kanina at sasabihing nagbibiro lang siya. Namalayan ko nalang na tumutulo na pala ang luha ko.

Kaagad akong tumayo at nagbihis tsaka lumabas ng kwarto. Wala pa ring tigil ang pagbagsak ng luha sa mata ko. Hindi ko muna sasabihin 'to kay Don Rene, kailangan ko munang makasigurado.

"Hijo, saan ka pupunta?" napatigil ako ng marinig ko ang boses ng Don, at ng magbukas ang ilaw. Hindi ko na naitago sa kanya ang itsura ko. "Umiiyak ka? Anong nangyari?" nagaalalang tanong niya.

Umiling ako. I don't have the courage to speak up and tell him what happened to her grandchild. Baka kung ano pa ang mangyari sa kanya.

"Tell me, Oliver! Was it about Angel?" hinawakan niya ang braso ko. "I had a bad dream about her kaya ako tumayo just to check her, pero wala pa siya sa kwarto niya, wala pa ang sasakyan niya kaya nagalala ako. I already ask someone to look for her—"

"Don," kuha ko sa attensyon niya. "Someone called me, and said that Angel just met an accident." katulad ko hindi rin siya makapaniwala sa narinig niya, mayamaya ay napahawak siya sa dibdib at muntik pang matumba. "Don Rene!" Inalalayan ko siya paupo. "I'm fine. Puntahan natin ang apo ko. I need to see her! Take me to her!"

"Pero Don—"

"I said take me to her!"

Wala na akong nagawa kundi sundin siya. Hindi ko rin naman siya mapipigilan. Magkasama kaming tumungo sa hospital.

Tumatakbo kami habang papasok ng hospital. Dumiretso kami kaagad sa emergency room.

"Miss may dinala ba ditong naaksidente?"

Mukang naguluhan iyong nurse na kausap ko. "Sir ano po ba ang pangalan? Marami po kasing dinala dito na naaksidente."

"Angel Delgado, miss." si Done Rene na ang sumagot.

Do Opposites Attract?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon