Chapter 15

111 12 8
                                        

Chapter 15

BAD's POV


"What is the meaning of this, Lolo?" pilit akong ngumiti kahit sa loob loob ko ay hindi na ako mapakali.

"Apo, this is Odessa O'dozon, she is Oliver's mother."

Tuluyan na akong natawa. Natawa dahil sa galit. Nakakabaliw diba? "Is this some kind of a joke? Kung oo, hindi nakakatawa."

"I'm sorry for what my son cause you. Masyado kasing pasaway 'tong anak ko. "

Paulit-ulit akong napailing at tsaka napapakit. No this is not true, wala pa ako sa bahay at hindi 'to totoo, hindi totoo si Odessa at ang sinasabi nila. I was still in the arcade playing air hockey with Oliver. No, this is not true.

Nang idilat ko ang mga mata ko, ang mga tingin na ni Oliver ang una kong nakita. He was looking to me with pity. Hindi ko napigilan ang biglang pagtulo ng luha ko. It is true, nasa bahay ako, at nandito si Odessa sa harap ko at kausap namin.

Muli akong natawa at tinignan ko sa mga mata si Oliver. "You're really something, O'Dozon. You really had a great time making us fools." I said then walked away from them.

Narinig ko pa ang pagtawag nila sa pangalan ko pero hindi ko na sila pinansin. Bakit parang ang OA ko naman yata? Eh, ano naman kung naloko ako uli? Kung naisahan na naman ako uli? Si Oliver lang naman iyan diba? Si Oliver! Iyon nga si Oliver lang siya pero bakit ko siya iniiyakan ng ganito?

Pinunasan ko ang luha ko ng makapasok ako sa kwarto ko. Leche iyan. Kanina lang ang saya saya ko pa, pero ngayon heto at umiiyak ako because of the same person. Iisang tao lang ang may dahilan kung bakit ako sumasaya at umiiyak. Kakaiba ka talaga O'dozon!

Nakarinig ako ng katok sa pinto. "Apo? Angel?" nakalimutan ko palang ilock iyong pinto kaya nakapasok si Lolo. Lumapit at tinabihan niya ako. "Bakit ka umiiyak?"

"Naiiyak ako sa galit, Lo."

"Oh, eh bakit ka nagagalit?"

Napapikit ako. "Lolo naman. Alam niyo naman iyong nangyayari, eh, diba? Hindi natin alam na may pamilya si Oliver tas malalaman nalang natin na may nanay pala siya."

Tumango siya. "Yes, she came all the way here from Italy para masundo si Oliver."

Nagulat ako. "Seriously, Lo? Italy?"

"Oo, doon nakatira ang mga O'Dozon. Oliver's father is a pure Italian."

Napaiyak ako lalo, tinakpan ko ng palad ko ang kamay ko. "He's not poor!" 

"Hindi nga."

"And you're not mad about this?"

Napakunot ang noo ni Lolo. "Why would I be mad?"

"Hindi niya sinabi na taga-Italy siya, may Italiano siyang tatay at mayaman siya. Niloko niya tayo, Lo!"

"Sinong niloko at nanloko? Apo. Hindi tayo niloko ni Oliver. Hindi niya sinabi kasi hindi tayo nagtanong, hindi niya sinabi kaya hindi siya nagsinungaling, hindi niya sinabi kaya walang naloko. Sinabi niya bang mahirap at ulila siya?"

"Lolo naman—wait, don't tell me--alam niyo na ang tungkol sa bagay na 'to nung una palang?" please tell no, Lo. Please.

"Actually the day after kong makilala si Oliver. Alam ko na ang lahat." pagkasabi nun ni Lolo ay muling bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Oliver.

Do Opposites Attract?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon