Chapter 16

115 11 8
                                    

Here's the update, Crayons. Happy long weekend! Enjoy!

________

Chapter 16

GOOD's POV


Nagmamadali akong maligo at magbihis, nalate kasi ako ng gising, may pasok pa naman at baka magalit na naman si Angel pag nalate siya. Nagbubutones pa ako ng polo habang bumababa ako.

"Angel just left, hijo." Salubong sa akin ni Don Rene.

Napatigil ako sandali, "Ho?"

"Nauna ng umalis si Angel, ginamit niya na iyong sasakyan."

Nagtaka ako. "Pinayagan niyo po?"

"Hindi na din siya nakikinig sa akin," umiiling pang sabi niya. "Ni hindi niya ako pinuntahan kaninang umaga just to greet me a good morning."


Napayuko ako. Pati pala kay Don Rene ay galit si Angel. Halata sa kanya na nasaktan siya sa nangyayari kay Angel.


"Oh sige na, baka mahuli ka pa sa klase mo."


Tumango at nagpaalam na rin ako sa kanya. Mabilis lang ang naging byahe kaya nakarating ako kaagad sa university. Wala pa ang sasakyan ni Angel sa usual parking lot neto ng tignan ko ito. Nasaan na kaya siya? Huwag mo sabihing sa bar siya dumiretso?

Sasakay sana ako uli ng sasakyan ko ng may tumawag sa akin, paglingon ko sila Rovie pala.


"Saan ka pupunta, nasaan si Angel?"

"Nauna siya sa aking umalis ng bahay kaya dapat nandito na siya, pero wala pa iyong sasakyan niya." Sagot ko kay Rovie.


Nabuksan ko na ang sasakyan ko ng may marinig kaming malakas na tunog. Napalingon halos lahat ng nasa parking lot sa gawing iyon. Sa sasakyan na paparating iyon nanggagaling, sa sasakyan ni Angel. Dirediresto ang pag park niya.


"Hi Angel!" bati ni Eli ng makababa na siya.


Pero hindi siya pinansin ni Angel, ni hindi tinignan at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad, hahabulin pa sana siya ni Eli pero pinigilan na siya ni Rovie. Lahat kami parang hangin na dinaanan niya lang at hindi pinansin hanggang sa makapasok siya sa loob.


Hinawakan ako ni Kayla sa braso. "Ano ba talaga ang nangyari, Oliver? Simula nung gabi na hinanap mo siya, hindi na namin nakausap si Angel. Tapos ngayon ni hindi man lang kami binati o tinignan man lang. Kahit kailan hindi niya pa ginagawa sa amin iyon."


Napayuko ako. Halos mapaiyak na si Kayla habang sinasabi niya iyon. Paano ko sasabihin sa kanila na ako ang may kasalanan kung bakit nagkakaganito si Angel? Na ng dahil sa akin hindi sila pinapansin ni Angel?


May humila sa damit ko. "Hoy, Oliver! Anong nangyari kay Angel? Sabihin mo! Bakit di niya kami pinansin?! Sabihin mo!" umiiyak na sabi ni Eli. Hinihila hila niya iyong damit ko, pero hinahayaan ko lang siya.

"Eli, tama na iyan. Wala naman din siguro alam si Oliver—"

"It was my fault." Putol ko kay Rovie. Lahat sila napatingin sa akin.

Do Opposites Attract?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon