Chapter 8
BAD's POV
It's been more than a year already! Pero bakit ganoon? Bakit masakit pa rin noong nakita ko silang magkasama and even kissed in front of me? Matagal kong inihanda ang sarili ko para sa pangyayaring katulad kanina. Nanalo naman ako diba? Kaya dapat masaya ako. Dapat hindi ko na nararamdaman 'to. Dapat wala na 'to. Pero bakit ang sakit-sakit parin?
Mabilis na nagpatakan ang luha sa mata ko. Hindi na din dapat ako umiiyak ngayon.
"Ayos lang naman umiyak, Angel." nag-angat ako ng tingin at nakita ko na naman ang lalaking pakiilamero. "Ayos lang na ilabas mo ang lahat ng sakit na nararamdaman mo." tinungga ko ang bote ng alak, kinalahati ko ang laman ng bote.
"Wala kang alam. Umalis ka sa harap ko." sabi ko ng hindi nakatingin sa kanya.
"Maari ngang wala, pero nagaalala ako para sa'yo—"
"Oh, the ever good man in the story." pumalakpak pa ako pagkasabi ko nun at tumingin sa kanya. "Wala naman ang Lolo, so don't pretend that you're concern to me—"
"But I am! I really am concerned for you!" natahimik ako ng sumigaw siya.
Pero natawa ako. "Typical for a man to say. Sa umpisa concern na concern pero hindi magaalinlangan na saktan ka parin bandang huli." iling iling ko pang sabi.
"Huwag mo akong igaya kay Dave."
Napatingin ako ng deretso sa kanya. "Si Dave? Kilala mo ba si Dave? May alam ka ba sa nangyari, ha?"
"Wala man—"
"Ah, wala ka naman palang alam. So why are you still here at nagpapanggap na alam mo ang lahat? Can't you just get lost and leave me alone?"
Hindi siya natinag sa kinatatayuan niya. Mukang walang balak umalis sa harap ko. Kaya ako na ang tumayo at ako na ang aalis, dumiretso ako palabas ng bar, kaagad din naman siyang sumunod.
"Pwede ba? Lubayan mo ako!"
"Pwede mo naman akong sabihan kapag wala akong alam, eh. Mapagkakatiwalaan naman ako. Pwede mo akong—"
Narindi ako sa sinasabi niya kaya hindi ko na siya pinatapos. Hinarap ko siya. "Sabihan? Para ano, para kaawaan lang ako?" Ha! Pinapatawa niya ako. "Aalamin mo ang mga bagay na iyan para lang kaawaan ako. Tsaka ikaw? Mapagkakatiwalaan?" lalo akong natawa. "Kayong mga lalaki, hindi kayo karapatdapat pagkatiwalaan."
"Bakit hindi mo subukan? Nararamdaman ko din ang sakit—" paghahamon niya.
Napatingin uli ako ng diretso sa kanya. "Hindi mo alam ang nararamdaman ko. Dahil sigurado akong hindi mo pa nararanasan ang magmahal pero iyong ginago kalang bandang huli!" sigaw ko.
Napaupo ako sa lapag ng maalala ko na naman ang nangyari.
Hindi nila alam ang pakiramdam ng maloko ng taong pinakamamahal mo. Iyong halos pag-alayan mo na ng buong buhay mo. Mahirap at masakit maloko ng hindi lang isa kundi ng dalawang importante at malapit sa buhay mo.
I don't know but I just found myself telling him what happened.
BINABASA MO ANG
Do Opposites Attract?
ContoShe's bad, he's good; she's impatient, he's calm; she's bossy, he's easy-going; she's always wrong, he's always right... Bobbie Angel Delgado, the Bad Girl. Geoffrey Oliver O'Dozon, the Good Guy. Lahat ng tao ay hindi parepareho, magkakaiba. Para...
