Chapter 2

392 52 80
                                    

Chapter 2: The Good Guy


Paano nga ba ako napasok sa sitwasyon na 'to? Hindi naman ganito ang inaasahan kong mangyari pagtapos ng ginawa ko, mas malala pa 'to sa inaasahan ko, eh. Hindi ko pinapangarap na mag-alaga lang ng isang spoiled brat. Kung hindi ko lang din talaga kailangan mag-aral at ng pera ngayon, hinding-hindi ako papayag sa gusto ng Don Rene—ang mabait at kawawang lolo ng spoiled brat na si Angel. Ang ganda ng pangalan, pero hindi naman bagay sa ugali. Kawawa naman si Don Rene, puting-puti na lahat ang buhok dahil sa apo.


Ngayon nga ay nagagalit na naman siya dahil umalis na naman ng walang kasama si Angel. Simula kasi ng muntik ng mapahamak si Angel ay kinuha ako ng Don na magbantay para sa apo niya.


Kung hindi ako naawa at hindi sana tinulungan si Angel nung gabing 'yun hindi ako mapupunta sa ganitong sitwasyon. Pero hindi naman kaya ng konsensya ko na iwanan nalang siya.


Sa isang bar ako nagtatrabaho bilang server. Doon ko din unang nakita si Angel. Umiinom siya mag-isa. Umiinom siya na parang tubig lang ang alak. Halos nakakaubos siya gabi-gabi ng sampung bote ng alak. Wala rin siyang pakiilam sa mga lalaking lumalapit para makipagusap sa kanya, titignan niya lang ang mga ito minsan at tataasan ng kilay pagkatapos nun ay wala na. Hindi ko alam kung anong problema niya at gabi-gabi siyang nandun at naglalasing.

 

"Pre, magtrabaho ka na, kanina ka pa tinitignan ni Manager! Sino ba kasi 'yang tinitignan mo?"

 

Naiwas ko yung tingin ko sa kanya nang magsalita si Benjie, isa sa mga katrabaho ko.

 

"Wala, nagtatrabaho naman ako, ah." Sagot ko, tinuloy ko ang paglilinis ng mesa at muling tumingin sa pwesto kung nasaan siya. Pero napakunot ang noo ko ng hindi ko na siya nakitang nakaupo sa bar counter.

"Oh, saan ka na naman pupunta?"

 

Hindi ko pinansin yung sinabi ni Benjie, iniwan ko yung nililinis ko, at hinanap ko siya. Hindi ko alam kung bakit ko siya hinahanap, pakiilam ko naman sa kanya diba? Pero ewan ko ba dito sa mga paa ko, ayaw tumigil kakalakad. Nakarating ako sa labas, sabi kasi nung mga bouncer nakita daw nila yung babae na lumabas, (sinabi ko kung anong itsura niya.) at ayun nakita ko nga siyang pagewang gewang maglakad, hanggang sa makarating siya sa isang sasakyan, mukang sa kanya din iyon dahil binubuksan niya ito. Hindi ko na sana siya lalapitan ng may tatlong lalaking lumapit sa kanya.

 

Akala ko kilala niya yung mga lalaki, kasi nakikipagusap siya sa mga 'yun, pero bigla nalang siyang sumigaw ng hilahin siya nung isang lalaki.

 

"Ano ba! Bitawan mo nga ako! Don't touch me!"

"Sumama ka lang sa amin, hindi ka naman namin sasaktan, eh. Slight lang."

 

Lumapit na ako sa kanila at narinig ko ang mga tawanan ng mga adik na 'to.

 

"Mga Boss, hindi ba kayo marunong umintindi? Bitawan niyo nga daw siya, diba?" pigil ko dun sa lalaking may hawak sa kanya.

"Aba, may pakiilamero dito, ah. Sino ka ba?"

Do Opposites Attract?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon