Chapter 6
BAD's POV
"Library?"
Tumango siya. "Diyan ko siya nakitang pumasok kanina, eh."
"Fine. Sige na. Pwede ka ng umalis—" kesa umalis ay inunahan niya pa ako sa pagpasok sa library. Malapit na talaga sa akin ' tong babaeng 'to eh.
"Ang bagal mo naman, Angel. Ayun siya, oh! Ayiee. Lapitan mo na bilis, and confess your undying love for him. Goodluck, Angel!" Siya na ang nanghila sa akin papasok sa library.
"Manahimik ka nga. Para kang baliw."
Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng library hanggang sa makita ko siya. Nagaalangan akong lumapit sa kinauupan niya. Nagbabasa lang naman siya ng libro. Teka nga seryoso na ba ako? Sasabihin ko ba talaga sa kanya? Pagtapos neto ano na? Baka asarin lang niya ako?
"Angel?" para akong nagising ng marinig ko ang boses niya. Hindi ko man lang namalayan na nasa tapat niya na pala ako."Anong ginagawa mo dito?"
Huminga ako ng malalim. "We need to talk."
"Ok."
Isa pang hinga ng malalim. I need air! "Ahm, ano kasi, about last night—"
"Do you want me to spend the night with you again?!"
Nanlaki ang mata ko, anong sinabi niya?! Hindi ganoon kalakas ang boses niya pero sigurado akong narinig iyon ng mga estudyanteng malapit lang sa pwesto namin, pagtingin ko sa kanila, nagbubulungan na sila.
"Last night? Narinig niyo ba guys? Last night daw."
"Oo nga, spend the night with you again daw, ibig sabihin may nangyari?"
Sinamaan ko ng tingin iyong mga babaeng nagsasalita, umiwas sila ng tingin pero nagbubulungan parin, how dare them!
Binalingan ko uli si Oliver. "What did you say?"Ngumiti lang siya ng nakakaloko. "You know what? Just forget it! I really hate you!"
Tumalikod na ako pagkasabi ko nun, pero sumunod pala siya sa akin at hinawakan ako sa braso. "Sorry, nagbibiro lang—"
"Ten thousand pesos for just one night?" medyo malakas kong sabi. Ngumisi ako ng makita ko ang gulat sa mukha niya. "Really, Oliver? That's too much."
Oh, ano ka ngayon? Natameme ka, 'no? Tinanggal ko yung pagkakahawak niya sa braso ko at naglakad na uli palayo sa kanya.
Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking iyon! Ako pa?! Buset! Akala niya ba maiisahan niya ako, pwes, nagkakamali siya. Ano siya ngayon, siguradong narinig iyon ng lahat ng tao sa library, leche siya!
"Bakit mo naman dinaan sa ganun? Hindi ba pumayag? Sana binabaan mo nalang yung price." Isa pa 'tong babaeng 'to eh. "Akala ko pa naman libre na. Sa ganda mong iyan, anun pa—"
"Stop it!"
Nakakapang-init talaga ng dugo!

BINABASA MO ANG
Do Opposites Attract?
Cerita PendekShe's bad, he's good; she's impatient, he's calm; she's bossy, he's easy-going; she's always wrong, he's always right... Bobbie Angel Delgado, the Bad Girl. Geoffrey Oliver O'Dozon, the Good Guy. Lahat ng tao ay hindi parepareho, magkakaiba. Para...