Chapter 9

140 23 12
                                        

Chapter 9


BAD's POV


"Nalaman ng school ang nangyari. Lalo akong naging laman ng usapan at ng tsismisan. Biruin mo ba naman kasing iyong inaakala mong kaibigan mo at iyong boyfriend mo. Tatraydurin kalang."

 

Nakayuko akong lagi kapag pumapasok sa school. Hindi ko naman mahingan ng tulong si Kenneth tungkol sa bagay na ito dahil may sarili rin siyang buhay na iniintindi.

 

"Well, well, well. Look who's here."  Nag-angat ako ng tingin ng may magsalita at humarang sa daan ko, si Andy. "The talk of the town is here. C'mon guys. Palakpakan niyo naman si Angel. Ang babaeng niloko ng boyfriend niya sa akalang bestfriend niya."

 

Nakarinig ako ng palakpakan, sigawan, kantyawan at tawanan pagkatapos niyang sabihin iyon. Lalo kong naiyuko ang tingin ko tsaka mabilis na tumakbo papalayo.

 

Pumasok ako sa room at nandoon na ang prof namin. Si Sir Flores.

 

"You're late, Angel. Masyado ka yatang nageenjoy sa tsismisan sa labas. Akala ko ay hindi ka na nga papasok pa. Pero ang lakas din ng loob mo, 'no? Hindi ka ba nahihiya sa itsura mo?"

 

Tawanan at kantyawan na naman ang naririnig ko.

 

¨Pwede ba! Magsitigil na kayo!"

 

Sigaw ng dalawang babae. Namalayan ko nalang na may humihila sa akin at nakalabas na kami sa classroom.

 

Lalong lumakas ang iyak ko.

 

"Angel. Tama na iyan. Huwag ka ng umiyak. Nandito naman kami ni Rovie para sa'yo, eh." sabi ni Kayla.

 

Akala ko dahil sa nangyari pati sila mawawala na rin sa akin. Sila Kayla, Rovie at ang Lolo nalang ang pinagkakatiwalaan ko.

"Hindi mo alam kung gaano kasakit ang masaktan, Oliver. Hindi. Minahal ko siya. Pero ano, ayun at gagaguhin lang din ako. Kaya huwag kang umastang may alam ka sa nararamdaman ko. Hindi mo pa naranasan ang maloko at gamitin ng taong mahalaga sa'yo. Kaya huwag kang magsalita na parang may alam ka!" sigaw ko sa kanya.

"Alam ko, Angel! Dahil ako rin, naloko at sinaktan din ako!" natahimik ako sa sinigaw niya. "Alam ko rin ang pakiramdam ng masaktan. Alam ko rin ang pakiramdam ng maloko. Kaya naiintindihan kita. Pero naging masama ba ako? Ginamit ko ba iyong mga nangyari sa akin para maghiganti, manakit, at manloko ng iba? Hindi diba?"

"Tumigil ka. Huwag kang magpanggap—"

"Hindi ako nagpapanggap. Katulad mo rin ako nasaktan at nasasaktan. Pero kesa lumaban nanahimik nalang ako."

"Mahina ka kasi! Hindi ka marunong lumaban. Nasaktan ka nga tapos ano magpapaapi kalang uli?"

"Hindi ako nagpapaapi. Marunong din akong lumaban. Nilabanan ko ang sakit na nararamdaman ko para magpatuloy ang buhay ko. Ang sabi mo masakit ang ginawa nila Dave sayo. May kaibahan ba iyon sa ginagawa mo sa Lolo mo? Kela Rovie at Kayla? Kay Eli? Sa akin at lalong lalo na sa sarili mo? Hindi ka ba naaawa at nararamdaman din namin ang sakit na nararamdaman mo dahil sa ginagawa mo sa sarili mo? Pwede ka namang lumaban na walang sinasagasaang ibang tao. Lumaban ka lang para sa sarili mo. Magpakatatag ka dahil sa pamilya, kaibigan at sa sarili mo. Kesa gamitin mo ang mga taong nanakit sayo para makapaghiganti ka sa iba. Gamitin mo sila para maging mas malakas ka."

Do Opposites Attract?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon