Chapter 14

128 12 22
                                    

Ngayon lang nakapagupdate, napasarap ang panunuod ko ng Koreanovela, eh. Hehe. 

_________

Chapter 14

BAD's POV


Bakit ba kasi binigay ko pa iyong bag ko sa kanila kanina, eh. Naisahan na naman ako ng mga baliw na iyon.


"Edi magtataxi ako—"

"Huwag ka na munang umuwi." Pigil pa niya sa akin. Isa pa 'to, eh. Ayaw pa akong pauwiin.

"Eh ano namang gagawin ko dito?"


May tinuro siya, pagtingin ko yung dalawang tickets pala na bigay ni Eli, isa pa iyan. Kaya pala dalawa lang ang tickets niya dahil para sa amin talaga 'to ni Oliver. Ang uutak talaga ng mga iyon.


"Sayang naman iyan, manuod na tayo." Alok niya.

"Fine, pero pagtapos natin, uuwi na tayo, ah?" sabi ko sa kanya at tsaka nagsimula ng maglakad.


Inside Out ang papanoorin namin, as expected kay Eli, pambata. Napahinto ako sa paglalakad at napalingon sa kanan.


"Oh bakit?" tanong ni Oliver, may dala na siyang isang popcorn at dalawang softdrinks, may isang bote din ng tubig sa bulsa niya.


Binalik ko ang tingin ko sa may gawing kanan. I crossed my arms, at nagantay pa sandali. Pasimple akong nakatingin sa kanila. Isa-isa kong nakitang nakasilip si Rovie, Kayla at Eli, nakatago sila sa likod ng halaman. Mga kalokohan talaga ng mga 'to. Napangiti at napailing nalang ako.


"Anong problema?" Umiling lang ako kay Oliver bilang sagot at kinuha yung popcorn sa kanya. "Wala, let's go inside."


Sakto lang ang pagpasok namin, paumpisa na iyong movie. Habang tumatagal natutuwa ako sa pinapanood ko, hindi ako nabobore kahit pambata siya, it's cute!


Naramdaman ko ang pagkalabit sa akin ni Oliver. Tinignan ko siya ng masama, nanunuod ako, hindi niya ba nakikita?


"Why?" I asked him coldly.

"Si Angry nagpapagana niyan sayo," sabi niya at tsaka ngumiti ng mapangasar.

"Manahimik at manuod ka na nga lang." Sabi ko sa kanya sabay kuha ng popcorn sa kamay niya. Umirap ako at tsaka ngumiti, kalokohan talaga netong lalaking 'to.

"Sungit neto. Huwag mo akong ubusan niyan, ha."

"Ano kala mo sa akin? Matakaw?"


Umirap siya, kailan pa 'to natutong umirap? At sa akin pa. After a while, the movie ended. Maganda din naman siya. It was very funny. A very good movie. Magandang ipanuod sa mga bata. It was a disney movie after all.

Inantay lang namin makalabas ang lahat bago kami sumunod. Ayaw kong makipagsiksikan habang palabas ng sinehan.


Paglabas namin inabot sa akin ni Oliver iyong cellphone niya. "Ui, improving ka! May cellphone ka na. Libre naman diyan."

Ngumiti siya ng pilit. "Funny-funny-funny, very-very-very." Pakantang sabi niya sabay irap.

Do Opposites Attract?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon