Chapter 18
BAD's POV
Ang sakit ng buong katawan ko. Parang may nakadagan sa akin at napipipi ako. Hirap ko ding maigalaw ang kamay at paa ko. Ano ba ang nangyari sa akin?
I calmed down and tried to move my hands. Napangiti ako sa isip ko ng maramdaman ko ang paggalaw ng kamay ko. Pero bakit parang may mga kamay din akong hawak o nakahawak sa akin.
I also tried to move my legs. Pero hindi ko masyadong maigalaw. Nahihirapan ako. Dahan-dahan kong binubuksan ang mata ko.
Nabungaran ko ang nagaalala at natutuwang itsura ni Lolo.
"Angel? Angel!"
Ngumiti ako. "Lo-Lolo."
Nakita ko ang pagpatak ng luha niya. At tsaka niya ako niyakap. Ano ba ang nangyari sa akin? Matagal ba akong nawala at parang miss na miss ako ni Lolo? Tsaka ko napansin na wala ako sa kwarto ko. Nasaan ako? Sa pagkakaalam ko wala namang kwarto na ganito kaputi sa bahay. Nang ilibot ko ang paningin ko ay nakita ko din si Oliver.
"Talaga kang bata ka. Ilang beses na kitang sinabihan na huwag magdrive ng nakainom. And don't join that drag racing! Paano nalang kung hindi ka nakaiwas kaagad, ha?! Did you even know what are the possible outcomes of not obeying me?!"
Iyan kaagad ang sinabi sa akin ng Lolo ng humiwalay siya sa yakap niya. Kumunot ang noo ko. Naka drive ng nakainom? Drag racing?
"Goodluck and be careful." Paalala pa niya.
"Goodluck," tumango kaming dalawa bago sumakay sa kanya-kanya naming sasakyan.
In 3, 2, 1. The race starts, I stepped on the gas hard. As expected nauna siya sa akin. Matagal tagal ko na ding hindi nagagawa 'to. A hundred and fifty kilometer per hour ang takbo ko in a normal highway. Umaabot na sa two hundred ang takbo ko ng maabutan ko siya. Pero nauna pa siya sa akin uli, nakadaan na siya sa intersection, ang first flag ng race. Mas binilisan ko pa ang pagpaandar ko, padaan na ako sa intersection ng may dalawang sasakyang sumulpot sa harapan ko, sa sobrang bilis ng takbo ko, hindi kaagad huminto ang sasakyan ko. Umiwas ako, nakita ko pang nagkabanggaan ang dalawang sasakyan na siyang nagpakabog ng dibdib ko. And that was the last scene I remember before my eyes saw nothing but darkness.
Naalala ko na. Iyon nga pala ang nangyari sa akin. Naibangga ko ang sasakyan sa pader dahil sa pagiwas ko sa sasakyan na nagkabanggaan kaya pala ganito nalang ang pagkaalala ni Lolo.
"Lolo, huwag na kayong mag-alala. I'm fine na naman, oh. Look." pinakita ko pa na kaya kong umupo magisa. Napangiwi ako at napahiga uli ng makaramdam ako ng kirot.
"Ayan. Puro ka kasi yabang. Kung sinusunod mo lang kasi ang sinasabi ko edi sana wala ka dito at hindi ka nasasaktan ng ganyan."
Dahil hindi ko pa kayang umupo, inabot ko nalang ang baywang niya at niyakap siya. "Opo, opo. Hindi na po mauulit."
Yumakap din siya sa akin. "Ayan ka na naman sa hindi mauulit mo, at eto na naman ako dahil naniniwala ako sayo."
Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Pagtingin ko kay Oliver ay nakatingin din siya sa akin. Poker face lang siya habang nakatingin sa akin. Ano na naman ang problema neto?
"Alam mong birthday mo na sa susunod na linggo. Hindi ka na minor kaya pwede ka ng makulong. Kapag gumawa ka pa uli ng ganito, bahala kang makulong." Pahabol pa ni Lolo.
Malapit na nga pala ang birthday ko. At 18 na ako. Magbibirthday ako na may cast parin ang paa ko. Talaga naman. Sana pwede ko na 'tong ipatanggal. Ayaw ko ng may ganito. Ayaw ko na din dito sa hospital.

BINABASA MO ANG
Do Opposites Attract?
Short StoryShe's bad, he's good; she's impatient, he's calm; she's bossy, he's easy-going; she's always wrong, he's always right... Bobbie Angel Delgado, the Bad Girl. Geoffrey Oliver O'Dozon, the Good Guy. Lahat ng tao ay hindi parepareho, magkakaiba. Para...