Chapter 3

331 50 85
                                    

Chapter 3


BAD's POV

(Bobbie Angel Delgado)


Onting-onti nalang talaga, at malapit na akong manakit ng tao. Nakakainis! Bakit ba kasi dumating pa sa buhay ko 'tong lalaking 'to, eh.


"Sorry girls, pero hindi pwede umalis si Angel, alam niyo naman, na grounded siya diba? Kung gusto niyo pumunta nalang kayo sa bahay ng mga Delgado, payag naman sa ganun ang Don." Mahabang paliwanag ng lecheng lalaking 'to.


Naiinis na naman ako pag naalala ko kung bakit ako na-ground ni lolo. Siya naman kasi ang may kasalanan, kung hindi niya lang ako sinumbong sa Lolo, edi sana malaya pa ako ngayon. Sigurado ako nung gabing nakilala ko siya, plano niya 'yun para makapasok sa buhay namin ni Lolo. Lumapit siya sa amin to get money from us!


"I think that's the best way we can do, let's just go to Angel's house. Wala naman klase bukas, kaya we can do movie marathon, right?"

"Right! And we can go sleepover there too!" sangayon ni Kayla sa sinabi ni Rovie. Pero ayaw ko, gusto kong lumabas! Ayaw ko sa bahay! "Hindi naman bawal iyon, Geoffrey?"

"Basta nasa bahay si Angel, maliban sa pag-inom, lahat pwede." Pacute na sabi ni Oliver.

Napairap ako. "Ano, hindi pa ba tayo uuwi?" tanong ko. Sinabi na kasing huwag pasukan iyong last subject namin, nakatunganga lang tuloy kami buong two hours. Nasayang lang ang oras ko!


And I'm planning to escape later, alam kong hindi niya naman ako mahuhuli, uuwi ako bukas ng madaling araw, and done, nagawa ko ang gusto ko.


*****


Nag-convoy nalang kami pauwi sa bahay, si Oliver ang nagdadrive ng sasakyan ko, wala eh, siya rin ang driver ko, kailangan lahat ng gagawin ko kasama ko siya, kailangan alam niya. Kulang na lang pati sa pagligo kasama ko siya, pero asa naman.


"Nakabusangot na naman 'yang mukha mo."

Napatingin ako sa rear-view mirror ng magsalita siya, umirap ako ng makita kong nakatingin siya sa akin."You don't care, mind your own face."

"Sabi pala ng Don-"

"Stop it, ok? Uuwi na nga ako, eh, diba? Makikita ko naman na si Lolo." Hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita, nakakainis na kasi, eh, hindi na talaga ako sanay na may naguutos-utos nalang sa akin.

Narinig ko ang paghinga niya ng malalim, "Gusto ka lang makita kaagad ng Lolo mo. Pagkauwing-pagkauwi mo, dumeretso ka daw muna sa kwarto niya."


Hindi ko na siya sinagot pa uli. Alam ko naman 'yun, automatic na ang pagpunta ko kay Lolo, kapag may ginawa akong kasalanan, sasabihan na naman ako ng Lolo.


"Girls, una na muna kayo sa kwarto, nakapagpaluto na din ako kay Manang, dadalhin niya din iyon, pupuntahan ko lang muna si Lolo." Sabi ko sa dalawa ng makarating kami sa bahay, dumeretso na din ako kaagad sa kwarto ni Lolo.

Naramdaman kong sumusunod si Oliver sa akin, huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya, "Talagang susundan mo pa ako? Maguusap lang naman kami ni Lolo." Pasigaw kong sabi.

Do Opposites Attract?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon