Surprise update, Crayons!
SECOND ANNIVERSARY na ni MISS_VYEOLET today so enjoy this surprise update! YEY!
Salamat sa mga nagbabasa at magbabasa ng mga stories ko. Thank you! God Bless.
________
Chapter 10GOOD's POV
Umalis ako sa pagkakasandal sa pinto ng kwarto ni Angel. Oo, pinapakinggan ko ang pag-uusap nila ni Kenneth sa loob. Napayuko at napangiti ako. Masaya na din ako, dahil kinausap siya ni Kenneth. At least narinig ko din ang pagtawa niya.
Sana lang magpatuloy na ang ganito sa kanya. I don't want to see her devastated face again. I didn't expect na magsasabi siya sa akin kagabi. Ganoon pala ang nangyari sa kanya, kaya ganoon nalang din ang pakikitungo niya kela Dave at Alice, kay Sir Flores, dun kay Andy at sa iba pa. Iyong g*gong Dave na iyon, huwag lang talaga siyang magpapakita sa akin kundi makakatikim siya sa akin, slap from Angel was not enough!
"Oh ano, hijo? Kamusta na si Angel?" salubong sa akin ni Manang pagkababa ko sa hagdan. Kagabi pa sila nagaalala simula ng umiiyak siyang umuwi. Kahit na hindi maganda ang pakikitungo ni Angel sa kanila, nanatili parin ang pagaalala nila para sa kanya.
"Kausap na po siya ni Kenneth, Manang. Huwag na po kayong mag-alala." Ngumiti ako.
"Aba'y kung ganoon ay mabuti. Bukod kasi sa Lolo niya ay si Kenneth ang pinaka-pinagkakatiwalaan niya. Oh siya, hijo, at ako'y may ginagawa pa sa bakuran."
Tumango at ngumiti uli ako, ganoon ba kaimportante para sa kanya si Kenneth. Akala ko ba isang family friend lang siya? Hindi ko alam na may mas malalim pa pala silang relasyon.
Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng tubig. "Manang, may pagkain—" Napahinto ako sa paginom at humarap kay Angel. Tapos na silang magusap ni Kenneth? "Oh, you're here."
Tumango ako. "Nagugutom ka ba? Ipaghahanda kita—"
"No need. Kay Manang nalang."
"May ginagawa si Manang sa likod. Inaayos yata iyong halaman ng Lolo mo. Mahihirapan lang si Manang. Maupo ka nalang diyan at ako na ang maghahain ng pagkain sayo."
"Fine!" padabog siyang umupo sa upuan.
Napangiti ako. Susunod din naman pala. Gutom na gutom na siguro 'to. Hinainan ko siya ng pagkain. Mabuti nalang at medyo mainit pa yung sabaw ng nilaga.
"Oh, ayan. Kain ka na." as usual kay Angel. Wala kang maririnig na salamat galing sa kanya. Kinuha ko ang baso ko at umupo sa tapat niya.
Mabagal lang ang pagkain niya pero halatang gutom na gutom siya.
"Stop staring. It's rude." nagulat ako ng magsalita siya. Hindi niya ako tinitignan patuloy lang siyang kumakain. "Kung tinitignan mo ako dahil naawawa ka sa akin. Kalimutan mo na."
Nagpalumbaba ako at tinignan ko pa siya lalo. "Nakakaawa ka nga talaga."
Bigla niyang binaba ang kutsara't tinidor niya at tsaka siya tumayo. "Forget it. I'm done here."
"Nakakaawa ka. Kasi kesa nagsasaya at ngumingiti ka. Anong ginagawa mo? Heto ka ngayon, umiiyak at nagmumukmok doon sa kwarto mo." sabi ko bago siya tuluyang makalayo. "Hindi ka pa tapos kumain. Bumalik ka dito at ubusin mo 'tong pagkain mo." dagdag ko pa.
Napaayos ako ng upo ng bigla siyang huminto at mabilis na humarap sa akin. Ang sama ng tingin niya. Pero hindi ko inaasahan ang ginawa niya. Bumalik siya sa pwesto niya at tinuloy ang pagkain niya. Hindi ko alam kung gutom pa siya kaya siya bumalik o sinunod niya lang talaga ang sinabi ko. Akala ko magsisigawan na naman kami, eh.
BINABASA MO ANG
Do Opposites Attract?
PovídkyShe's bad, he's good; she's impatient, he's calm; she's bossy, he's easy-going; she's always wrong, he's always right... Bobbie Angel Delgado, the Bad Girl. Geoffrey Oliver O'Dozon, the Good Guy. Lahat ng tao ay hindi parepareho, magkakaiba. Para...