Chapter 12

122 13 13
                                    

Chapter 12

BAD's POV


"Angel! Nandito ka na uli!"

Ngumiti ako ng makita ko si Eli. Tumalikod ako sa kanya ng akma niya akong yayakapin. Nakita ko pa ang pagnguso niya dahil sa ginawa ko. 

"Para namang hindi tayo nagkita kahapon."

"Eh kahit na. Namiss kita kaagad."

"Baliw. Wala ka bang klase? Bakit lagi nalang yata kitang nakikitang pakalat kalat?"

"Meron, tsaka hindi ako pakalat kalat sadyang lagi lang akong nasa tabi tabi."

"In short. Pakalat kalat ka nga."

Natawa siya sa sinabi ko. "Hinahanap lang kasi kita."

"Teka nga. Nasaan na iyong mga damit na binigay namin sayo? Bakit hindi mo suot, at iyang lagpas tuhod mong skirt ang suot mo. Pants na nga iyong binigay namin, ah?" Tanong ko sa kanya. 

Binigyan kasi siya naming tatlo ng mga damit. Ayaw niya naman ng bagong bili kaya ang binigay namin ay lumang bili para maging maayos naman iyong suot niya. Hindi naman revealing ang binigay namin kaya bakit hindi niya suotin.

Wala naman problema sa itusura niya. It's just that ayaw ko siyang magaya sa akin. Na ginagamit dahil sa itsura at dahil sa muka siyang mahina. Tama ng sa akin magtatapos ang ganung pangyayari.

Tama nga ang sinabi ni Oliver. Hindi ko dapat pinaparamdam sa iba ang sakit na naramdaman ko. Kasi kung ako nasaktan malamang nasasaktan din ang iba.

"Eh. Nahihiya ako hindi ako sanay." nahihiya ngang sagot niya.

"Pants iyon. Hindi ka ba nagpapants?"

"Nagpapants."

"Oh iyon naman pala, eh."

"Eh fit sa akin. Ang liliit naman kasi ng legs niyo kumpara sa mga pata ko."

Sinukat niya iyong mga damit na iyon. Hindi naman mukang masikip at hindi naman malaki ang binti niya. Kaya anong pinagsasabi neto?

"Eli. You need to be confident, ok? Kahit sa tingin mong hindi bagay o kung ano man. Be proud and confident. Huwag kang papadala sa sinasabi ng iba. Ok ba iyon?"

"Susubukan—gagawin ko."

"Good."

"Baka kasi magkaroon din ako ng isang Oliver."

Napakunot ang noo ko. May nginuso siya sa likod ko. Paglingon ko si Oliver na nakangiting palapit sa amin.

"Ang tagal mo naman yata?" tanong ko. Kanina pa siya nakapagpark ngayon lang siya dumating?

"Ikaw naman, Angel, namiss mo kaagad. Ayan na nga sa tabi mo, oh." pangaasar pa ni Eli.

"Manahimik ka nga." naiinis na bulong ko. Humagikgik lang siya tsaka na nagpaalam sa amin.

"Ok ka lang?"

Tumango ako sa tanong ni Oliver. Nagsimula na din kaming maglakad papunta sa classroom. "Oo naman. Bakit hindi?"

"Tinatanong ko lang. Baka kasi—"

I cut him off. "Don't worry, ok? I'm fine."

"May meeting kayong mga student council. Hindi ka na pwedeng hindi ka pumunta this time."

Do Opposites Attract?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon