Chapter 4

253 43 67
                                        

Chapter 4


BAD's POV

(Bobbie Angel Delgado)


Nasaan kasi 'yung susi, alam kong nandito 'yung spare key, eh.


Napangiti ako ng makita ko rin sa wakas. "Finally!"

"Angel? Gabi na, ah? Saan ka pupunta?"

Napabitaw ako sa doorknob ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Gising pa si O'Dozon? Talaga naman, kahit kailan talaga 'tong lalaking 'to, eh. Narinig ko ang yabag niya at nagbukas ang ilaw.


"Bakit bihis na bihis ka? Ganyan na ba ang usong pantulog ngayon? Hindi ka ba lalamigin dahil sa suot mo?" Humarap ako sa kanya. "Naka make-up ka pa."

"Wala kang pakiilam, ok? Go back to sleep!" Tatalikod na ako uli ng hawakan niya ako sa braso, "Bitawan mo ko!"

"Hindi diyan ang daan pabalik sa kwarto mo."


Nakakainis, ano ba talaga gusto nito?! Lahat nalang pinapakiilaman. Hindi ko naman siya ginugulo o pinapakiilaman pero lagi nalang siyang kontra sa akin.


"Bitawan mo ako, aalis ako, babalik din ako mamaya!" sabi ko sabay hila ng braso kong hawak niya.

"Hindi ka pwedeng umalis, alam mong grounded ka."

Napairap ako, "Grounded, grounded. Hindi naman ako naga-ground nung wala ka, eh. Bakit ba kasi hindi ka pa umalis at bumalik kung saang lupalop ka nanggaling? Bakit dito ka sa amin sumisiksik? If I know pera lang naman namin ang gusto't habol mo! Magkano ba ang kailangan mo? Kahit magkano ibibigay ko sa'yo ng mawala ka lang sa buhay ko, sa buhay namin!"

"Angel! That's enough!"


Napatingin ako sa may pintuan, nandun si Lolo, at galit na galit ang itsura niya, ngayon ko lang uli nakitang ganyan kagalit si Lolo. Pagtingin ko kay Oliver, nakaiwas na ang tingin niya sa akin, napaiwas na din ako ng tingin at inaalala ang mga sinabi ko.


Shocks, I didn't mean it! Well, slight lang. Naiinis lang ako kaya ko nasabi iyon. But It shouldn't be said out loud! Pero nasabi mo na. Argg!


"Sige na, hijo, bumalik ka na muna sa kwarto mo."

"Sige ho, Don Rene."


Iwas pa rin ang tingin ko sa kanila, but I still held my chin up.


"Angel. What is this again?" Narinig kong tanong ni Lolo, mukang wala na si Oliver. Humarap na ako kay Lolo, but this time nakayuko ako. "You're doing this again, sumusobra ka na. Ano bang ginawa ni Oliver sa'yo at ganyan mo siya tratuhin? After what happened between you and Dave naging ganyan ka na. Kapag nakakakita ka ng lalaki, nagagalit ka na kaagad. Lahat nga ng lalaking nagtatrabaho dito sa bahay pinaalis mo, exception nalang yung mga guard natin sa labas, at tsaka ako. Kung hindi mo nga lang siguro ako Lolo, baka wala na din ako sa bahay na 'to ngayon. You should not blame Oliver, he's a good man, apo. Ako ang may gustong gawin niya 'to. Ako ang nagoffer sa kanya ang magtrabaho para sa atin, ilang beses niyang tinanggihan pero nagpumilit ako. Sa tingin mo ba, bukod sa akin may gusto pang mag-alaga sa katulad mong ganyan ang ugali-" napahinto siya sa pagsasalita. Napaiwas ako ng tingin. "It's not what I meant, hija."

Do Opposites Attract?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon