Chapter 7

185 27 16
                                    

Chapter 7


GOOD's POV


Tumakbo ako papuntang parking lot, pero hindi ko nakita si Angel, at nandoon pa din iyong sasakyan. Napalo ko iyong noo ko ng maalala kong nasa akin iyong susi pati iyong spare key, kaya malamang hindi niya magagamit iyan.

"Kuya, si Angel?" sigaw ko sa guard bago ako lumabas ng gate.

"Sumakay ng taxi!" sigaw nito pabalik.


Dali-dali akong bumalik para kuhanin iyong sasakyan. Wala pa naman akong cellphone, paano ko siya mako-contact? Tsaka taxi? Nagtaxi siya? Hindi niya ba alam kung gaano kadelikado ngayon ang magtaxi? Pasaway talaga iyong babaeng iyon, eh.


May inabot iyong guard sa akin bago niya buksan iyong gate. "Salamat." Nakangiting sabi ko, plate number kasi iyon nung taxing sinasakyan ni Angel.


Wala pa naman daw sampung minutong nakakaalis iyong taxi kaya siguradong maabutan ko pa iyon.


Naku Angel, alam kong wala ka sa sarili ngayon, pero please ingatan mo muna iyong sarili mo kahit ngayon lang, lagi nalang kasing napapahamak, eh.

Binagalan ko ang pagtakbo ko ng padaan ako sa intersection. Napakamot nalang ako ng ulo. Saan naman kaya ako dadaan. Ano? Mag miniminimainimo ba ako? Pinaharurot ko iyong sasakyan at kumanan. Bahala na!


Lahat ng taxing dilaw (na ayon sa guard na kulay ng taxi) na makikita ko ay sinusundan ko at sinisilip ang plaka. Nakakaapat na ako, pero wala parin, hindi pa rin iyon ang taxi na sinakyan ni Angel, magyu-uturn na sana ako ng may mapansin akong taxi sa kabilang kanto.


Magaalasais na ng gabi, mahihirapan na ako maghanap kapag tuluyan ng dumilim. Sana si Angel na ang sakay ng taxi na iyon. Humanap ako ng tiyempo para tignan iyong plaka, kinuha ko iyong papel.


"Ayun na!"


Hindi ko na inalis iyong tingin ko sa taxi, hindi gaanong tinted iyong sasakyan kaya nakikita kong si Angel nga ang sakay non, nakatulala at nakatingin lang siya sa labas. Binuksan ko iyong bintana at bumusina para makuha ang attensyon niya pero wala ring nangyari.


Bigla akong napapreno ng may bumusina, takte, naabutan pa ako ng stop sa traffic light! Lechugas namang buhay 'to, oh! Malayo na din mararating nung taxi sa loob ng ninety seconds!


"Malas! Malas! Malas!" sigaw ko habang pinapalo ang manibela ng sasakyan. "Ang tagal naman! Five, four, three, two."


Inapakan ko kaagad ang silinyador at mabilis na pinaandar ang sasakyan, dumiretso ako kung saan dumaan iyong taxi kanina. Shete, wala na akong dilaw na taxing nakikita. Mga limang minuto pa ako nagdrive, mabagal lang din ang takbo ko, at medyo madilim na din. Wala rin masyadong dumadaan na sasakyan sa lugar na ito.


Hanggang sa may makita akong taxi-taxing dilaw! Nakahinto iyon sa isang bakanteng lote. Pagtingin ko sa plaka, iyon nga yung taxi! Bumaba na ako sa sasakyan at lumapit.

Do Opposites Attract?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon