Chapter 19

168 5 7
                                    

Chapter 19

GOOD's POV

"Leche ka talaga, Oliver O'dozon!"

Tuluyan na akong natawa ng makalabas ako ng kwarto ni Angel. Totoo nga ang sabi ni Don Rene na naririnig hanggang labas iyong boses niya. Nakita ko sila Don Rene na nakaupo at nakatingin sa akin, napatigil lang ako sa pagtawa ng makita kong malulungkot ang itsura nila.

Nakakaawa si Angel pati ang parents niya, pareho silang nasasaktan sa nangyayari. I can't really blame one of them, kung galit sila sa isa't-isa.

"Hijo, halika at ipapakilala kita sa anak ko." Lumapit ako sa kanila. "Si Oliver, Alfred, Beth. Oliver sila ang parents ni Angel."

"Hello po." Nagmano ako sa kanila.

Hinawakan ng Mommy ni Angel ang kamay ko. "Pasensya ka na kung nakita mo pa ang nangyari kanina."

Umiling ako. "Wala po iyon."

"Boyfriend ba siya ni Angel, Dad?" nakangiti niya pang tanong.

Natawa naman ang Don. "Pwede. Gusto mo ba Beth?"

Nagtawanan lang silang dalawa at hindi sumagot, ayaw yata nila sa akin. Napakamot ako sa ulo. Napatingin ako sa Daddy ni Angel, siya lang ang seryoso at hindi tumatawa. Napalunok at napaayos ako ng tayo. Anong ginawa ko? Wala naman, ah.

"Ah, kung gusto niyo po uling kausapin si Angel, pwede na po uli kayong pumasok sa loob." Alanganing sabi ko.

Mukang nagtaka sila sa sinabi ko. "How can you say that she's not going to ask us to leave."

Ngumiti ako kay Sir Alfred. "I just know, Sir. I believe in Angel."

"I told you," nakangiting sabi ni Don Rene na pinagtaka ko, ako ba ang kausap niya? "Halika na kayo, pumasok na tayo uli sa loob, you heard Oliver."

Tinapik ako sa balikat ng Don ng makatayo sila. Ngumiti at tumango lang ako bilang sagot. Magkakasunod na din silang pumasok sa loob. Nakahinga lang ako ng maluwag ng ilang minuto na ang nakalipas ng makapasok sila ay tahimik pa rin, hindi ko na narinig ang sigaw ni Angel.

Uupo na sana ako para maghintay pero napatigil ako ng may tumawag sa akin.

"Oliver, anak."

"Ma?" kunot noong tanong ko. "Why are you here?"

"How is Angel?"

Huminga ako ng malalim. "She's fine now." naaway na nga kami, eh. Dagdag ko pa sana.

"That's good. Sino ang kasama niya ang Don ba?"

Tumango ako. "Yes, nandiyan din ang parents niya."

"They came?" tumango ako. She also sighed. "So I think we can leave now, right?"

Nataranta ako bigla sa sinabi niya. "Ma, halos kakagising lang ni Angel. She's still recovering. I can't leave her on that state."

"I thought—well you said that her parents is already here. Hindi ka na naman siguro kailangan pa ni Angel. And first of all you should not working in the Delgado's. Anak kahit hindi ka magtrabaho mabubuhay ka. And now you're working here as a what? A babysitter?"

"Ma, we've already talked about this."

"I know. Hindi nga rin ako nagaalala dahil nasa puder ka ni Don Rene. Pero anak naman, huwag mo ng pahirapan ang sarili mo."

Umiling ako. "Hindi naman ako nahihirapan, Ma, eh. I am actually happy with them."

"Mas gusto mo na silang kasama kesa sa amin ng Daddy mo?"

Napahinga ang ng malalim. "It's not like that, Ma. Ang akin lang nakakasakal kasi minsan si Daddy. He wants me to do this and do that na ayaw ko. I was trying my best in doing what he wants pero laging kulang para sa kanya."

Iyon ang isa kung bakit ako umalis, o naglayas at pumunta dito sa Pilipinas. Nasasakal na ako sa ginagawa sa akin ni Daddy. Lahat ng bagay na ayaw ko, gusto niya. Lahat ng di ko kaya, kaya niya. Hindi kami nagkakasundo. Si Angel nga lang ang bukod tanging hindi ko kapareho na kahit papaano ay nakakasundo ko.

"Anak, hindi naman pwedeng lagi kang nandito. At isa pa hindi na tayo pwede magtagal pa. Your father is looking for you. Pumayag na ako sa gusto mo. Hindi na kita kinulit for one week. We can't stay here longer. We need to leave."

Hindi ako nakapagsalita, tapos na ang oras na palugit na hiningi ko kay Mommy. Kailangan na talaga namin umalis at bumalik sa Italy. Napatingin ako sa pinto ng kwarto ni Angel. How am I supposed to leave her? I can't, I just can't, lalo na ng sabihin niyang mahal niya ako. Pero.

Tumangin at tumango ako kay Mommy, "Alright, Mom."

Magkasama kaming naglakad palayo at lumabas ng hospital.

*******

BAD's POV

Napatingin ako sa pinto ng magbukas ito. Akala ko iyong lecheng O'dozon na naman iyong pumasok pero sila Daddy pala uli. Napaayos ako ng upo. I am calmer now, thanks to Oliver. Kahit na siya ang laging nambibwisit sa akin siya rin naman ang madalas na nagpapakalma sa akin.

"Anak."

Tumingin ako sa kanila. "Mommy, Daddy." Napayuko ako. "I'm sorry po. I'm sorry for what I acted earlier. I didn't mean to do that, nagkahalo-halo na din po kasi ang nararamdaman ko nung nakita ko kayo."

Umiling si Mommy. "We're sorry too, Angel, anak. Sana mapatawad mo din kami ng Daddy mo."

Lumapit sa akin si Daddy at hinawakan ang kamay ko. "We also didn't intend to leave you alone here, Angel. We're sorry if we choose our work over you. But we promise you from now on, hindi na kami aalis papuntang ibang bansa, your mom and I decided to stay here with you." Napangiti ako dahil sa sinabi ni Daddy.

Lumapit sa akin si Mommy at niyakap ako. Kaagad na tumulo ang luha ko. I hugged her back. "I missed you, our Angel. I'm sorry kung lagi kaming wala ni Daddy, at si Lolo nalang lagi ang kasama mo."

Umiling ako. "It doesn't matter anymore, Ma. I missed you too."

Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya. Naramdaman ko din ang paglapit at pagyakap ni Daddy sa akin. Napatingin ako kay Lolo.

"Don't just stand there, Lo. Come here! Family hug!"

Pinunasan muna ni Lolo ang ilalim ng mata niya bago lumapit sa amin. Ganito lang pala kadali ang magiging paguusap namin. Naginarte pa ako kanina. Edi sana kanina palang masaya na ako. Hindi ko na din dapat nasabi kay Oliver ang hindi dapat.

I hugged them tightly. Finally, we're once again a complete, and happy family.

________

Posted : Sept. 26, 2015

The second to the last chapter of DOA.


Do Opposites Attract?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon