Maroon 02

454 8 1
                                    

Pagkarating ko sa UPTC ay sinabi ko na kaagad sa dalawa kung sino yung na encounter ko.



"I think I knew him, sa bullpups ata siya noon, sa NU Nazareth." Paliwanag ni Roseann at tumango ako kasi I searched his name earlier habang kinakausap ko sila, and she's right bullpups nga siya and ka teammate niya rin si Carl.



"So you like him?" Tanong ni Faith, pero hindi ako makasagot kasi I can't determine whether I like him or sadyang attractive talaga si Harold.



"Hindi ko alam," yun lang yung nasagot ko sa kaniya at tumango na lang din siya.



Faith and Roseann has always been a fan of Ateneo Men's Basketball Team, but this season I told them na samahan ako manood sa mga games ng UPMBT.



"Nagagalingan ako kay Carl Tamayo, when I saw his highlights noong high school days niya. He's part of Gilas pala," daldal ni Faith habang naglalakad lakad kami. Itong dalawang 'to kahit malayo pupuntahan talaga nila ako just to see me.



"Magaling nga siya," dagdag pa ni Roseann at literal na nanonood ng highlights ni Carl habang naglalakad kami.



Umiling na lang ako sa kanilang dalawa, hindi pa kasi nila alam na kilala ko si Carl dahil hindi rin kami nagpopost ng mga pictures namin online kasi nga sikat si Carl.



"Want niyo ma meet si Carl?" Tanong ko at agad naman silang napatingin sa akin. Ngumiti ako at pinakita sa kanila ang picture namin ni Carl na naka headlock siya sa ulo ko habang nakasimangot naman ako. Kitang kita kung gaano siya katangkad, 6'8 ang height ni Carl habang ako naman ay 5'2.


"Shocks, you know him?" Tanong ni Faith at tumango naman ako sa kanya.


"Friends kami, pinakilala ni John at Juliet sa akin si Carl tapos yun we instantly became friends like siblings." Paliwanag ko sa kanila pero agad akong tinaasan ng kilay ni Roseann na parang may sinusuri sa akin. Agad akong umiling kay Roseann dahil alam ko na kaagad ang nasa isip niya.


"Walang malisya, as in! We already talked about it a lot of times." Paliwanag ko sa kanila kasi totoo naman. Walang meron kasi we only treat each other as friends or more like a siblings.



"Saka hindi ko type si Carl, more on I see his personality as an older brother, but no more than that." Dagdag ko pa saka kami pumasok sa isang kainan to check on something dahil sabi masarap daw ang pagkain na hinahanda rito.


We talked a lot of things related to school, but more on UAAP na ang pinag-uusapan namin dahil malapit na nga magsimula.



"Gusto kong ma meet ang UPMBT, but I think it would be unfair to those fans who genuinely like them instead of us na fans ng BEBOB." Paliwanag ni Faith at sumang-ayon na rin si Roseann kaya in the end ay hindi natuloy ang pagpapakilala ko sa kanila.



Ihahatid ko pala sila kahit sa may LRT dahil dun na lang daw sila sasakay pabalik sa school nila.


We were supposed to go na when I received a text from Carl telling me to go back dahil may ibibigay daw siya sa akin. Dahil hindi naman niya binigay ang exact reason at kung ano ang ibibigay niya I decided to call him.



"Carl, paalis na ako need ko ihatid mga friends ko sa LRT may afternoon class sila." Paliwanag ko sa kanya nakita ko naman na napatingin sa akin saglit sina Faith at Roseann habang nililiko ko ang kotse dahil palabas na ako ng parking.



"Daan ka lang dito saglit, may ibibigay lang ako sayo. I remember na mahilig ka sa pusa, may kitten si Harold dito you can have it." Paliwanag ni Carl napatingin naman ako sa mga kaibigan ko sa likod at tumango na lang sila pareho sa akin. Kaya imbes na dumeretso sa may Anonas ay pumunta muna kami sa UP.



Maroon | Harold AlarconWhere stories live. Discover now