Maroon 11

323 5 3
                                    

Pagkauwi ko ng bahay tinawagan agad ako ni Harold kasi sabi niya bago ko raw buksan yung box ay may sasabihin muna siya sa akin.

"Yan muna ibibigay ko, pagkalabas ko sa bubble, date tayo kahit saan." Yung bakas ng dialect niya talaga ang nagpapangiti sa akin sa tuwing naririnig ko yun. Since dito naman ako lumaki sa Quezon City ay hindi ko nakuha ang tono kung paano magsalita ang mga tao sa probinsya namin sa Quezon.

"Pero may nalaman ako tungkol sayo," mapang-asar na imik ko saka tiningnan siya gamit ang nanliliit kong mata na parang hinuhusgahan ko siya.

"Hindi ka raw marunong mag commute?" Tanong ko sa kanya at tumango siya sa akin at parang nahihiya pa.

"Understandable naman yun, try natin sa date natin mag commute lang tayo." Suggestion ko at tumango siya at mukhang excited na kahit matagal tagal pa naman dahil start pa lang ng second round.

"I asked for advice kay Carl saka yung mga gusto mo, and sinabi niya sa akin na mahilig ka raw sa handwritten letters kaya gumawa ako diyan." Paliwanag niya and he motioned na pwede ko na buksan yung box kaya dahan-dahan ko siyang binuksan to see a lot of handwritten letters at may mga stars pa na halatang pinaghirapan niya.

"Sorry talaga limited lang mga gamit dito," paliwanag niya pero agad akong umiling at hinalikan yung mga letters.

"God knows how much I love handwritten letters lalo na kung galing sa mga taong mahalaga sa akin. Thank you sa effort Harold, the last handwritten letter that I received was from my Papa." Hindi ko na napigilan dahil ang tagal na rin simula noong nakatanggap ako ng sulat at sobrang nakakatuwa pala na sa kanya nanggaling ang unang sulat after how many years na 'di ako nakatanggap.

"Sana umiyak ka lang kapag masaya ka at hindi dahil malungkot." When I heard him saying that ay napatingin ako sa kanya at sobrang lambing ng tingin niya sa akin na parang isa ako sa mga taong pinahahalagahan niya ngayon. The way his eyes stayed for quite some time just to look at me as if I am so precious for his eyes.

"Sana lahat ng mga gusto mo matupad din, thank you for everything." Ngumiti ako sa kanya saka tumingin sa orasan dahil ganitong oras ay may training na ulit sila.

Natapos ang videocall at nagsimula na akong gumawa ng mga assignments ko saka inayos ang mga plano na gagawin ko para sa susunod na game. Against FEU ang next game nila at 10 AM ulit yun plano kasi nila Tita Kc na lunch kami together with some of the alumnis of UP na manonood din sa game next week Tuesday. At dahil mahabang pahinga bago makanood ulit, I decided to treat my friends some foods kaya lalabas kaming lima. Pumayag naman sina Faith at Roseann na isama na namin sina Juliet at John since kilala rin naman nila ang isa't-isa.

We are planning to eat and also to go sa mga museum since kahit dito ako lumaki hindi ako mahilig gumala so igagala raw nila ako ngayon. We want to go sana sa Intramuros, but I told them na kami ni Harold ang pupunta dun.

Si John ang nag volunteer to drive his car for us para less hassle kaya susunduin niya kaming tatlo dito sa bahay. At 12 PM nandidito na sina Roseann at Faith sa bahay we had a simple dessert which is a plain cheesecake that I baked last night. We talked about our busy week at kung ano ang mga plano namin this week whether it be related to school or to our personal lives. At 1 PM dumating na sina John at Juliet, I also offered them the cheesecake na they gladly accept.

"Manonood kayo next game?" Tanong ni Juliet kina Roseann at Faith at tumango naman sila pareho.

"Pero 'di pa rin sure kasi La Salle vs. Ateneo sa last game sa Tuesday tapos 10 AM naman ang game ng UP." Paliwanag ni Faith at napatango ako kasi ang tagal na rin pala nilang hindi nakakanood ng game sa Ateneo dahil lagi nila akong sinasamahan.

"Okay lang naman kahit 'di kayo makanood next game, manood na muna kayo against La Salle. Maiintindihan naman ni Carl kung 'di kayo makakanood, mag iinarte lang yun pero 'di rin kayo matitiis ng lalaking yun." Paliwanag ko sa kanila at ngumiti naman sila. The past games and watching with them ay nakilala na ni Carl sina Faith at Roseann he is even treating them as friends now kaya kasama na talaga sila sa circle namin.

I don't know mahilig kasi talaga si Carl mag welcome ng mga tao sa buhay niya. He's kind talaga kaya siguro naging close din kami para mabalanse niya ang kasamaan ng ugali ko.

Tumawag kami kay Carl para makipag kwentuhan kahit saglit bago sila umuwi.

"Hindi kayo makakanood sa game?" Tanong ni Carl nung nag open up si Roseann dahil balak nga nila manood sa Ateneo against La Salle.

"Oo bawi na lang kami, tagal na naming 'di nakakanood ng game ni Dave." Pagrereklamo ni Faith kasi fan talaga siya ni Dave kaya kahit nagkukunwaring nagtatampo si Carl ay napatawa siya kasi mukhang seryoso na talaga si Faith.

"Pa video greet ko na lang kayong dalawa kay Dave," Natatawang sagot naman ni Carl kaya pati sina Terrence na nasa likod niya ay natawa na rin.

"Yabang mo talaga Carl, hayaan mo na silang manood." Sabat naman ni Kuya Cj kaya napatango na yung dalawa halatang natutuwa kasi nakahanap ng kakampi sa ka teammates ni Carl.

"Mababawasan ang magchecheer sa atin," Pakikipagtalo ni Carl kaya pati ibang teammates niya ay pabirong nagtatalo na lang rin dahil sa argumento about sa mababawasan sa magchecheer.

"Malakas naman mag cheer si Chie, tingnan mo nung last game halos wala na boses kinabukasan." Sabat ni Harold saka nag shoot ng 3 points agad namang tumayo si Carl at hinabol si Harold na parang mas lalong napikon sa sinabi ni Harold.

"Gago sayo lang naman malakas sumigaw yan kaya unfair!" At yun walang sawang pagtatampo na ang narinig namin kay Carl na pati mga ka teammates niya ay tinatawanan na lang siya at napapailing na lang kasi hinahabol niya pa rin si Harold. Kahit ang mga coaching staffs ay hinayaan na sila dahil dagdag training na rin daw ang paghahabulan nilang dalawa.

Nag end na rin ang call kasi wala na ring pupuntahan ang videocall na yun kasi puro sigaw na lang ni Carl na pagod na siya ang naririnig namin.






Maroon | Harold AlarconWhere stories live. Discover now