At yun na nga after ticket selling ay naka secure ako sa lower box kasama ang family ko pero nasa 4th row kami pero okay na rin yun at least ay sama-sama kami.
6 PM ang start ng Game 2 pero 5:45 na kami nakarating sa MOA kaya pagpasok namin sa loob ay madami ng tao. Nakapasok na ang buong players at nagwawarm up na sila at maingay na rin ang mga tao.
Sa gitna kami naka pwesto kaya maganda ang nakuha naming tickets. As expected ay malakas ang cheer for UP dahil marami ulit nanonood from UP side.
When the game started kitang kita mo na naaral na ng Ateneo kung bakit sila natalo noong Game 1. Pero grabe ang full court pressure na pinaparamdam ng UP sa Ateneo.
Pero this game 2, grabe amg pressure na pinapakita ng Ateneo against UP. 6 minutes na lang ang natitira sa first quarter pero wala pa ring score ang UP dahil sa defense ng Ateneo.
At 4 minute mark ay nakabawi ang UP at tatlo na lang ang lamang ng Ateneo when Harold scored a 3 point shot.
"Harold! What a shot!" Sigaw ko saka pumalakpak dahil tie na ang UP at Ateneo.
Grabe ang pinapakita ng parehong team sagutan sila sa puntos. At the end of the first quarter lamang ang Ateneo with 17 against sa 16 ng UP.
"Kabado bente," yun agad lumabas sa bibig namin ni Raven siya kasi ang katabi ko sa kanan habang si Mama naman sa kaliwa.
"Kinakabahan ako," si Mama naman ang nagsalita pero after nun ay tumayo ulit siya saglit para mag cheer tapos after nun ay uminom na siya ng tubig.
Sa second quarter ay nakalamang na ang Ateneo at lumalayo ang score nila. Natapos ang second quarter lamang ang Ateneo 37 against sa 28 ng UP.
Nagpasama ako kay Chin palabas saglit para pumunta sa comfort room kasi mag-aayos ako ng mukha ko kasi pawis pawisan na ako sa kaba.
Paglabas namin ay marami rin ang nasa labas ang mukhang bibili ng pagkain.
Habang nasa comfort room ako ay pinost ko sa ig story ko ang awards ni Carl na Rookie of the Year at Mythical 5.
Habang nag-aayos ako ay nasa gilid lang si Chin at nagcecellphone when someone approached me.
"Ikaw ba si Luna?" Magalang na tanong niya at tumango naman ako.
"Pwede magpapicture?" Tanong niya napatingin naman ako kay Chin na nakatingin lang din sa amin. Ngumiti naman ako at tumango bago ko suotin ang face mask ko.
Nagpicture kami saglit at nagpasalamat siya bago ako lumabas. Pagbalik namin sa loob ay nagfaflash na sa screen ang stats during the first half of the game.
Sa third quarter ay lumagpas sa sampu ang lamang ng Ateneo pero nababawasan naman pero hindi pa rin sapat para makalamang ang UP sa Ateneo.
At the end of third quarter lamang ang Ateneo with 49 against sa 45 ng UP. Sa fourth quarter ay nagsimula ng humabol ang UP.
Less than 7 minutes ay nabitawan ni Kouame ang bola kaya nakuha ito ni Harold pero nadapa sila pareho sa sahig. Nakita ko kung paano agad lumapit si Carl kay Harold pero buti na lang at nakatayo ulit siya.
At 5 minutes and 44 seconds ay nag tie ang score all 54 pero naka score din agad ang Ateneo, pero nabawi rin agad ang lead ng UP nung nakapasok ang corner three point shot ni Carl. This is their first lead of the game kaya napatayo na talaga ako sa kaba at tuwa.
![](https://img.wattpad.com/cover/329698933-288-k160007.jpg)
YOU ARE READING
Maroon | Harold Alarcon
FanfictionUP Fighting Maroons #1 Luna Archie Ynares, 18 years old student from the University of the Philippines Diliman. She went back to the province for online classes, but when she heard that Season 84 will soon start, and audience can watch she immediate...