At 8 PM umuwi na ako sa bahay kasi nandoon na si Harold. Maya-maya pa kasi ang punta nina Faith at Roseann kaya mauuna na ako sa kanilang dalawa.
Pagkarating ko sa bahay ay nakangiti si Harold habang may hawak siyang isang tub ng ice cream at may flowers siya na hawak.
"Yakap," pagkasabi pa lang ni Harold ay tumakbo na ako papalapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Grabe ang effort ni Harold kasi siya mismo yung nagdesign nung bouquet na hawak niya ngayon.
"Sabi ko naman babawi ako after season," he said, mas hinigpitan niya ang yakap sa akin at nagsway pa kami na akala mo sasayaw kaming dalawa. Nakita ko naman si Mama na nakatingin sa amin at nakangiti habang katabi niya si Chin na naka thumbs up ang parehong kamay bago nag form sa finger heart.
"Bihis ka na punta na tayo Xylo baka mag-ingay na naman si Carl." At natawa na lang ako saka dali daling umakyat papunta sa kwarto ko para magbihis.
Nagpaalam kami kay Mama na aalis na kami at pumayag naman siya sinabi lang niya kay Harold na mag-ingat sa pagmamaneho at mag enjoy. Pagsakay namin sa kotse niya ay hinawakan niya rin agad ang kamay ko at ganoon kami buong byahe.
Tumingin ako sa kanya at nag dadalawang isip kung itatanong ko ba yung na open namin na topic nina Faith kanina habang nag uusap kami sa bahay nila.
"Did you ask Harold ba kung at some point nagselos siya sa closeness mo saka ni Carl?" Tanong ni Faith kaya napatingin ako sa kanya kasi the whole time ay hindi ko siya naiisip kasi wala namang malisya kasi magkapatid ang turingan namin ni Kuya Carl. Pero gets ko naman yung iba kung bakit may tanong pa rin sila na ganito kasi hindi naman talaga kami blood related ni Carl and some people might find it odd.
"Hindi, kasi akala ko wala namang dapat pagselosan?" Sagot ko pero at some point napapatanong din ako sa sarili ko kung bakit nga ba hindi ko natanong si Harold tungkol sa nararamdaman niya about this.
"I think it would be better to ask him para alam mo naman kung ano yung nararamdaman niya about this." Suggestion ni Roseann at tumango naman ako kasi may point din naman sila.
"Love, I have a question." Pagsisimula ako, this is the first time na tinawag ko rin siyang ganoon kaya napatigil siya saglit buti na lang at naka red pa yung stop light.
"Ano yun?" Tanong niya sa akin saka siya tumingin para pakinggan ako sa sasabihin ko.
"Diba, Carl and I are not blood related, but we treat each other as siblings, but some people misunderstand the situation at akala nila girlfriend ako ni Carl. Nagselos ka ba at some point dahil close kami ni Carl?" Tanong ko sa kanya medyo kinakabahan pa ako sa tanong ko kasi parang pinag-isipan niya saglit yung sasabihin niya, pero bago siya sumagot ay ginulo niya muna ang buhok ko.
"Ano ka ba, syempre hindi! Noong nag start kami mag bubble training palagi ka na nakukwento ni Carl sa team. Pinagmamayabang ka pa nga niya kaya at some point all of us got curious kung sino ka." Pagsisimula ni Harold at nagpatuloy pa siyang magkwento habang nagmamaneho siya.
"Lagi niyang sinasabi na, "Nakilala ko siya dahil sa mga kaibigan ko tapos syempre wala akong family dito sa Manila, at siya mismo nagpresinta na yung pamilya niya daw ang magiging pamilya ko dito kaya akala ko nagbibiro lang pero naging totoo." Yan ang sinabi niya sa amin kung gaano kabait ang pamilya mo para isama siya pati na rin ang pamilya niya." Pagkukwento ni Harold kaya napaluha na ako kaya agad akong inabutan ni Harold ng tissue habang tinutulungan niya akong magpunas ng luha ko dahil sa iyak ko.
YOU ARE READING
Maroon | Harold Alarcon
FanfictionUP Fighting Maroons #1 Luna Archie Ynares, 18 years old student from the University of the Philippines Diliman. She went back to the province for online classes, but when she heard that Season 84 will soon start, and audience can watch she immediate...