Maroon 04

366 8 0
                                    

Sa mga sumunod na games ay hindi na ako nakanood sa MOA dahil busy ako sa school saka limited pa lang ang mga tickets. Kaya sa laptop ko na lang ako nanonood. I always make sure na may pagkain si Carl at si Harold every after game dahil pinapadala ko kay Tita dahil present siya all games.



Ang last game nila for round 1 ay against FEU na gaganapin sa Saturday, April 9 pero bago yun ay papanoorin ko muna ang game nila against La Salle this Thursday, April 7. Nagsimula ang first round last March 26. Sa lahat ng game ng UP, so far ay sa Ateneo pa lang sila natatalo at yun ay yung first game mismo.



This saturday ay plano ko ng manood kasi nangako rin ako kina Harold na manonood ako. Gusto raw kasi ng team na magpasalamat sa akin kasi hindi ko raw nakakalimutan na bigyan sila ng pagkain after game.



I'm planning to give them brownies this time. Pero I want Kuya Carl and Harold to have something na sila lang ang meron so I am planning to give them some cookies again as extra since masarap daw.



I will contact Carl na lang kung sino ang pwede kong makausap sa staffs nila para ilagay sa bus nila after game para hindi ko na sila salubungin since bawal pa rin na lumapit sa kanila.



Like some other players from UP close na rin kami ni Harold. May pagkakapareho kasi kami at una na doon ang pagmamahal sa mga pusa.



Ang soft din niya as a person na gugustuhin mo siyang alagaan when you get to know him. Napapansin ko na rin ang napapadalas na pang-aasar ni Carl sa akin kaya minsan imbes na tawagin ko na talaga siyang Kuya gaya ng gusto niya ay hindi ko na ginagawa para siya ang maasar.


Wednesday na ngayon at bukas na ang laro nila against La Salle. Napansin ko rin for the past weeks ay sumasama na sa akin si Faith manood ng UAAP via google meet. Pareho kaming nanonood lalo na kapag game ng UP which I find weird? But, eventually she confessed na nag eenjoy daw siya whenever she's watching Carl playing.


Papunta akong UP ngayon kasi kikitain ko sa campus sina John at Juliet dahil may ibibigay sila sa akin na galing pa from Cebu.


"Ma, punta lang po akong UP." Paalam ko, I went to Tita saka humalik sa pisngi bago ako nagpaalam umalis.


Malapit lang naman ang bahay namin sa UP kaya 'di rin nagtagal ay nakarating na rin agad ako.


Sa may Sunken Garden na sila nakipagkita sa akin at pagkababa ko pa lang ng kotse ay agad na nila akong tinakbo para yakapin.


"We miss you," yakap-yakap pa rin ako ni Juliet na parang wala siyang balak na bitawan ako kaya pati si John ay natawa na lang sa itsura ko.


"We went to Cebu para bumili ng dried mangoes," natatawang paliwanag ni John when I asked them bakit sila pumuntang Cebu. Alam ko naman na nagbibiro sila dahil mukhang related sa business ng family nila ang pinunta nila sa Cebu.


Inabot nila sa akin ang isang paper bag na puno ng dried magoes yung iba ay covered with chocolates pa kaya ngumiti agad ako kasi favorite ko yun.


"Salamat dito," nakangiti kong pasasalamat sa kanila saka niyakap sila.


"Share na lang kayo diyan ni Carl since marami naman yan. You can also give it to your other friends." Makahulugang ngiti ni Juliet kaya napatingin ako kay John na mukhang may alam din.



"Ano ang chika ni Kuya Carl?" Tanong ko sa kanial at agad islang natawa, it means meron nga na sinabi si Carl sa kanila.



"He said na may something daw kayo ni Harold Alarcon number 18." Diretsong sagot ni Juliet at napailing na lang ako sa kanya.


Maroon | Harold AlarconWhere stories live. Discover now