Maroon 27

270 3 0
                                    




Nakwento ni Abegail na lumipat siya sa US noong bago siya mag senior high. Doon siya nag first and second year sa college bago siya nagdecide na bumalik dito.



"So kilala mo talaga si Kuya Carl?" Tanong ko sa kanya at tumango naman siya saka uminom at nakita kong marami rami na siyang naiinom.



"He's a friend actually, sila nila Terrence tapos lumipat ako kaya no communication after." Pagkukwento niya at napatango naman ako so it means may something na nangyari that's why hindi na sila masyadong close nila Kuya.



Nagkukwentuhan pa kami when Harold went near me at hinawakan ang balikat ko saka ako niyakap.



"Abegail, si Harold boyfriend ko nga pala." Pagpapakilala ko tinanggao naman ni Harold yung kamay ni Gail saka ngumiti saglit bago nilapat yung ulo niya sa balikat ko at mukhang lasing na talaha siya.



Humarap naman ako kay Harold saka hinawakan ang mukha niya at namumula na siya. Kaya naman hinanap ko si Kuya Carl sa crowd at nakita kong kausap niya sina Faith ngayon at nakita ko pang tinuro ni Kuya Carl si Dave na papalapit din sa kanila ngayon.


"Gusto mo na bang umuwi? Hindi na ka makakapag drive sa bahay ka na muna matulog." Paliwanag ko sa kanya at tumango naman siya pinaupo ko na muna siya saka humarap kay Abegail at ngumiti na parang nag sosorry.


"Abegail, alis muna ako ah kailangan ko kasing kausapin Kuya ko." Pagpapaalam ko sa kanya at tumango naman siya. Yumakap ako sa kanya saglit saka naglakad papalapit kay Kuya Carl na nakaakbay ngayon kay Dave at Faith.


"Walang magjojowa sa pamilyang 'to!" Sigaw niya at napailing na lang ako sa kanya saka kinurot ang tagiliran niya kaya napatingin siya sa akin.


"Eto nga pala yung kapatid ko, Dave." Pagpapakilala ni Kuya tumingin naman si Dave sa akin at ngumiti saglit saka tumingin kay Faith kaya napangiti na lang ako.



"Aalis na kayo? Yan na naman tayo eh iiwan niyo na naman ako. Lagi niyo na lang akong iniiwan." Hinawakan ko naman saglit yung kamay niya saka pinisil yun saka ngumiti.



"Kuya Carl walang mang-iiwan sayo sa pamilyang 'to." Yun na lang sinabi ko saka ko siya binatukan slight para malinawan naman siya sa mga sinasabi niya.



"Aalis na kami lasing na ang alaga ko, ikaw anong oras ka uuwi?" Tanong ko naman sa kanya at napaupo siua sa tanong ko kaya inalalayan ko siya nagpatulong na rin ako kay Dave kasi nasa gilid lang naman sila.



"Uuwi na rin ako, ayoko na dito kung aalis kayo." Sagot niya saka tumayo na siya at sumunod sa kung saan ako pupunta. Nung malapit na kami sa table namin ay nakayuko lang si Harold doon at may ilang gusto pang magpapicture pero nag sorry na lang ako sa kanila.



"Sorry guys, lasing na kasi sila pauwi na rin kami." Yun na lang ang sinabi ko saka kami naglakad kahit hindi diretso.


Doon na lang kami sa kotse ni Harold sumakay at ako ang nagmaneho. Tinawagan ko na rin si Kuya Rodrigo para siya na yung kukuha sa kotse ni Kuya Carl para diretso uwi na lang kami at makatulog.


Sa isang araw kasi bago sila pumunta sa Los Baños ay manlilibre muna sila sa aming magkakaibigan kaya excited na rin kami kasi minsan lang sila manlibre.


Bukas pupunta sina Jd, Gerry, Cyril, Terrence at dahil dito makakatulog si Harold ay hindi na niya kailangan pumunta pa sa bahay kasi siya na ang mauuna. Lasing sila ngayong gabi pero bukas ng hapon ay pupunta sila para raw sa pagkain na irerequest nila.



Maroon | Harold AlarconWhere stories live. Discover now