Maroon 30

475 7 2
                                    

May 19, naka stuck lang ako sa kwarto kasi ayoko ring lumabas dahil wala akong gana. Siguro yung pagod ko ay nagsama-sama ngayong araw at mukhang need ko talaga ng pahinga maliban na lang kung magkakaroon ako ng lakad.

"Kapatid kong magastos, may bisita ka at mukhang hindi matutuloy ang pahinga mo." Pagkarinig ko sa boses ni Kuya Carl ay agad kong binuksan ang pinto ng kwarto ko at tinuro niya naman si Harold na nakaupo na sa may sala at nanonood ng tv katabi si Chin habang si Mama ay nag-aayos ng bagong gamit na ididisplay niya sa living area.

"Intramuros daw kayo ngayon," pagkasabi ni Kuya Carl ay agad ko ng sinarado ang pinto ng kwarto ko at naligo na. Mukhang maglalakad kami ng matagal ngayon kasi nasabi ko sa kanya na gusto ko commute kami papuntang Intramuros.

Nagsuot lang ako ng beige trousers at white fitted croptop saka pinaresan ko ito ng white nike shoes ko na niregalo sa akin ni Kuya Carl bago siya pumasok sa bubble noon.

Pagbaba ko ay agad tumayo si Harold sa pagkakaupo niya. Naka beige kasi na baggy pants si Harold at naka white rin siya na tshirt ang pinagkaiba lang namin ay naka nike shoes ako habang naka adidas naman siya.

"Couple na couple ah, ayaw paagaw? Very good kayo diyan." Pag approve ni Kuya Carl matapos makita yung outfit namin ni Harold. Kahit si Mama ay napangiti matapos makita ang suot namin ni Harold.

"Ingat kayo ah, magcocommute pa naman kayo ngayon." Paalala ni Mama napatingin naman si Kuya Carl sa amin matapos marinig ang salitang commute.

"Mommy, commute sila? Eh hindi nga marunong mag commute yang si Harold eh." Saka lumapit si Kuya Carl sa aming dalawa at pareho kaming inakbayan.

"Ganito, sakay kayo ng tricycle hanggang St. Joseph na 'wag na kayo mag jeep. After that sakay kayo LRT hanggang Recto tapos baba kayo. Punta kayo sa likod ata ng Isetan saka kayo maghanap ng jeep or kapag wala mag toktok na lang kayo marami naman kayong pera." Paliwanag ni Kuya Carl at namikinig lang kami sa kanya. Nasabi na rin kasi ni Faith sa akin yung mga sasakyan namin pero para sure nakinig na rin ako sa paliwanag ni Kuya.

"Hatid ko na lang kaya kayo sa St. Joseph, wait kunin ko lang susi ko." At hindi na kami inantay ni Kuya sumagot at agad siya pumunta sa kwarto niya para kunin ang susi sa kotse niya.

May dala akong maliit na bag kung saan kasya doon ang pareho naming cellphone saka wallet namin. Nagdala rin ako ng panyo para kapag pinawisan kami sa init ay may pampunas kami.

Pagkababa ni Kuya sa kwarto niya ay lumapit lang siya kay Mama at Chin para yumakap saglit at ganoon din ang ginawa namin ni Harold.

"Tita alis na po kami," paalam ni Harold saka hinawakan ang bewang ko at ngumiti sa akin saka kami sumunod kay Kuya Carl na pumunta na sa garahe para kunin ang kotse niya. Nakaparada na rin sa loob ng garahe ang kotse ni Harold, pumasok naman kami aa likod pareho kaya napatingin si Kuya sa amin.

"Mga 'to, Harold dito ka muna sa unahan gagawin niyo pa akong driver." Natatawang puna ni Kuya kaya natawa rin si Harold kasi nagmukhang driver nga namin siya.

"Wag kayong tatanga-tanga dun ah, pareho pa naman kayong 'di marunong mag commute." Bago kami nakarating sa St. Joseph ay napakarami na ahad naming narinig na mga salita galing sa bibig ni Kuya Carl pero ayos na rin yun kasi ang dami niyang paalala at bilin sa amin kaya confident ako na hindj kami maliligaw.

Pagbaba namin ay tiningnan muna kami ni Kuya Carl saka siya tumango sa amin.

"Ingat kayo mga babies," natatawang asar niya sa amin at tinawanan lang namin siya kasi parang naging tatay namin siya sa mga sinabi niya.

Habang naglalakad kami ay pansin ang ilan sa mga taong tumitingin sa amin marahil ay dahil sa height gap namin ni Harold. Biruin mo 5'2 ako tapos 6'2 naman siya at may 1 foot height difference kami. Suot niya oa yung white ko na bag na nakasabit sa balikat niya habang hawak niya ang isang kamay ko. Pagkapasok namin sa LRT ay pareho lang kaming nakatayo kasi marami-rami ang mga taong nakasakay ngayon.

Maroon | Harold AlarconWhere stories live. Discover now