Maroon 22

314 9 3
                                    


Nagising ako kinabuksan hindi dahil sa tunog ng alarm clock ko kundi dahil sa ingay ni Chin at Carl na pumasok sa kwarto ko at may dala silang kaldero na pinupukpok nila para magising ako. Naupo naman ako sa kama ko at tiningnan silang dalawa na parang tuwang-tuwa pa sila sa ginagawa nila. Nakita ko naman sina Althea at Raven na nagvivideo sa harap ng pintuan.


"Gising na, paparating na sina Harold dito 'di ka pa manlang naliligo." Paggising ni Kuya Carl sa akin at mas lalo niya pang ginulo ang buhok ko kaya agad kong kinurot ang tagiliran niya.


"At dahil nakauwi ka na dito ay hindi na naman matatahimik ang buhay ko." Sagot ko sa kanya at tinulak na sila isa isa palabas ng kwarto ko bago ko ito ni lock para makaligo na rin ako.


Nakita ko ang text ni Harold sa cellphone ko na nakaalis na sila sa bahay nila at papunta na sila dito.


Hinanda ko na rin ang susuotin ko para sa get together namin mamayang tanghali. I told them na kasama ko ang boyfriend ko kaya nagulat sila kasi akala nila ay hindi ako magkaka boyfriend habang nasa college ako.


Tumagal ako ng 30 minutes bago ako nakababa sa kwarto ko at saktong pagbaba ko ay ang pagdating nila Tita Remy.


Agad akong lumapit sa kanila at niyakap silang lahat saka tumigil ako sa tabi ni Harold at ngumiti ako sa kanya. May dala siyang paper bag na may lamang damit mukhang iyon yung susuotin niya mamaya bago siya pumunta sa UP para sa bonfire.


Nagsimula na kaming kumain at grabe ang kadaldalan ni Kuya Carl kasi dinadaldal din siya ni Lolo habang si Harold naman ay tanong nang tanong sa akin kung ano ang mga gusto kong kainin.


"Anong oras ba ang punta natin sa restaurant na pagkikitaan niyo?" Tanong niya sa akin at tiningnan ko naman ang cellphone ko para tingnan kung anong kras nga ulit.


"1 PM daw, so alis na tayo dito mga 12:30 PM mamaya malapit lang naman dito." Sagot ko sa kanya saka hinawakan ang kamay niya saglit at nagpatuloy na ako sa pagkain.


"Saan nga ulit kayo pupunta ngayon?" Tanong ni Mama sa amin ni Harold kaya umayos ako ng upo at ngumiti sa kanila.


"May get together yung mga high school friends ko today dito lang din sa Quezon City. Tapos after ihahatid ko rin si Harold para sa bonfire." Paliwanag ko sa kanila at tumango naman sila sa amin at nagpatuloy na kami sa pagkain.


Pagkatapos kumain ay nag ala tour guide si Kuya Carl dito sa bahay at pinagyabang niya pa yung court na pinagawa sa kanya ni Mama sa likod ng bahay malapit sa swimming pool.


"You can always come here," pag-aaya ko sa kanya habang naglalakad kaming tatlo kaya tiningnan ako ni Carl na parang nandidiri siya sa sinabi ko.


"Pa cute, tigilan niyo yan naiinggit ako, parang gusto ko na rin ng jowa." Napatawa na lang kami pareho ni Harold sa mga sinasabi ni Carl dahil makikita mo talaga sa kanya na naiinggit na siya or 'di lang siya sanay na may boyfriend na ako.


And ending naglaro sila ng PS5 sa may living room at pati sina Raven ay nakisali na rin habang ako ay nanonood lang sa kanila at napapacheer na lang kapag si Harold ang nananalo.


"Ano ba yan Kuya Harold huwag ka na maglaro, unfair!" Pabirong galit na si Raven saka tinuro yung screen kasi natatalo na siya kahit kakampi niya pa si Kuya Carl na mukhang napipikon na rin sa nilalaro nila.


"Mag basketball ka na lang Kuya Carl!" Isa pang banat ni Raven kaya ayun imbes na magkakampi sila ay naging magkaaway pa sila kasi halos magsipaan na sila sa harapan namin habang si Althea at Harold ay chill lang kasi may teamwork naman sila.



Maroon | Harold AlarconWhere stories live. Discover now