Si Mama ang nagsecure ng tickets kina Lolo kaya maghihiwalay kami ng seats sa Game 1. Nakasecure kasi ako ng isang tickets sa likod ng bench sa lower box kung saan madalas kaming naka pwesto. Ate Alliana helped me rin kasi, siya yung girlfriend ni Kuya Cj na manonood ng game to support the UPMBT. Kaya magkatabi kaming manonood at may iba pa kaming kasama with Juliet and John na nasa 2nd row.
Habang sina Faith at Roseann naman ay naka secure ng lower box ticket kaya lang ay nasa side sila ng Ateneo.
Magkakasama pa kaming lima when we secured the tickets.
"Ang daya niyo talaga! Kayong dalawa parang 'di niyo ako kaibigan ah." At yan na naman ang sermon ni Kuya Carl sa kanilang dalawa kasi nalaman ni Kuya Carl na sa blue side uupo sina Roseann at Faith sa Game 1.
"Traydor na talaga kami matagal na Carl, tingnan mo UE red ako, tapos si Faith UST dilaw siya." Sagot na lang ni Roseann sa kanya at umiling.
"Paano ka nakasecure ng ticket sa first row?" Tanong naman ni Harold na sumingit sa cellphone ni Carl kaya nahawi agad siya ni Carl paalis.
"Kung kakausapin mo jowa mo, cellphone mo ang gamitin mo." Sermon na naman ni Carl at kahit kaming mga nakikinig ay napapailing na sa ingay niya.
"Pag kinausap ko yan ngayon 'di mo na makakausap yan." Sagot naman ni Harold at napatawa kami kasi lumalaban na siya kay Carl sa sagutan kaya ayun in the end puro ingay nilang dalawa ang naririnig namin. Pang tanggal stress at kaba raw sabi ni Harold kasi game 1 na bukas.
"Kinausap ka raw ni Ate Alliana?" Tanong ni Harold, tumawag ulit siya pagkatapos naming mag usap magkakaibigan. Ganito naman kami tuwing gabi lalo pa at hindi pa sila pwedeng lumabas sa bubble. Pero I heard pagka natapos daw ang Game 1 ay pwede na silang lumapit kaunti sa mga fans para mangamusta pero they can't shake hands or any body contact pa rin.
"Oo, sumama na raw ako sa kanya since sinabi mo diba kay Kuya Cj na kinapos kami sa pagbili ng tickets." Paliwanag ko kasi na short kami sa tickets at ako na lang ang nagdecide na humiwalay kina Lolo at sinabi ko na next game na lang kami magtabi-tabi.
"Nabigyan mo naman ng tickets sina Tita Remy?" Tanong ko sa kanya saka pinakita ko sa kanya yung binigay niyang jersey na susuotin ko bukas.
"Ganda naman, bagay sa akin." Kahit si Harold ay napatawa na lang sa punchline na ginawa niya kaya napatawa na lang din ako kasi nakakahawa talaga yung tawa niya and sarap pakinggan sa tenga.
"Date talaga tayo kahit saan mo gusto," pagkasabi niya ay tinitigan niya ulit ako saka ngumiti. Ngumiti rin ako sa kanya at nagkwentuhan kami kung ano ang mga planong gagawin namin sa mga dates na gagawin namin pagkatapos ng season 84.
Di ko na namalayan na nakatulog na pala ako dahil paggising ko ay lowbatt ang cellphone ko. 10 AM na ako nagising kaya pagbaba ko sa kwarto ko ay nag-aayos na sila Mama ng mga dadalhin nila sa MOA. mamimigay kasi sila ng banners na si Chin ang nagdesign, this time buong UPMBT players na ang may banners.
"Anong oras ka natulog?" Nakangiting tanong ni Mama saka inabutan ako ng kape na kinuha ko naman agad.
"1 AM, ang tagal ng sermon ni Kuya Carl kagabi eh kaya late na rin kaming nakapag-usap ni Harold." Paliwang ko kay Mama at kinuha yung tinapay sa ibabaw ng lamesa.
"Okay lang ba talaga na hiwalay ka sa amin?" Tanong ni Tita Jenny at tumango naman ako at pinakita ang picture ni Ate Alliana.
"Katabi ko naman siya Tita, girlfriend siya ni Kuya Cj yung na injured. Tapos nasa likod ko naman sina Juliet at John." Tumango naman si Tita at binigay sa akin ang banner ni Harold at Carl bago siya umakyat aa kwarto nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/329698933-288-k160007.jpg)
YOU ARE READING
Maroon | Harold Alarcon
FanfictionUP Fighting Maroons #1 Luna Archie Ynares, 18 years old student from the University of the Philippines Diliman. She went back to the province for online classes, but when she heard that Season 84 will soon start, and audience can watch she immediate...